OH, LABAN KA?!: Sharon, nagpapaaral ng mga bata sa Sri Lanka, India, at Africa!

0
54


Matapos i-post ni Sharon Cuneta ang mga mamahaling bags, ang pagsuporta naman niya sa mga kilalang charitable institutions ang pinost niya sa kanyang Instagram.

Kilala sa pagiging matulungin ang Megastar, kasama na ang pagtulong niya sa mga kasamahan sa industriya na nangangailangan.

Pero, lingid sa kaalaman ng lahat na pang-global pala ang pagtulong ni Sharon, na kahit sa ibang mga bansa na nangangailangan ng tulong ay nakakagawa siya ng paraan.

Pinoste ni Sharon sa kanyang Instagram ang ilang piraso ng letter envelope mula sa World Vision, isang international non-government funded company o entity na tumutulong sa mga bata sa iba’t ibang lugar para matustusan ang pag-aaral ng mga ito.

“Okay… you do not have any clue about how I help, how many I have helped when, where, etc. But I do talk about some because I would like to invite you to help them too.

One of the organizations I have been supporting for years is World Vision Philippines. Now look closely at these envelopes.

They are also from World Vision but those which are based abroad so I sponsor several children in the Philippines, Sri Lanka, India, Africa, etc… for years now.”

“Non-negotiable kahit medyo madaming ibang binabayaran di puedeng tumigil sa pagtulong sa kanila. May iba pang mga organisayon po akong tinutulungan.”

Sa karugtong ng kanyang mensahe, ini-enganyo ni Sharon ang kanyang followers na tumulong din para sa mga batang Pilipino.

Kaya nga hindi puwedeng tumigil sa pagtatrabaho si Sharon at hindi rin ito puwedeng maghirap dahil marami ang nakikinabang at nakikibahagi sa buong mundo mula kanyang mga kinikita.

Rufa Mae, Kapamilya ulit!

Sa ABS-CBN 2 at hindi sa GMA magbabalik-telebisyon si Rufa Mae Quinto.

Matapos magbakasyon ng ilang buwan si Rufa Mae sa Amerika kasama ang kanyang asawang si Trev Magallanes at anak na si Alexandria, sa Kapamil­ya Network piniling mag-comeback ng komedyana.

Ilang taong naging artista at contract star ng GMA 7 si Rufa Mae kung saan nabigyan siya ng maraming projects. Naka-post sa kanyang Instagram wall ang larawan niya kasama ang iba pang cast ng drama anthology na sasamahan niya.

“After 2 years of not acting, here I go go go again with my best actress performance, I am Angie, from Baguio, a battered wife, product of broken family. Basta! It’s my first taping day. I miss taping! Kaya isang madugo at madrama ang episode namin na #katuwang!”

Base sa caption, sa Ipaglaban Mo drama anthology lalabas ang pagbabalik-acting ni Rufa Mae sa telebisyon.

Kunsabagay, hindi naman kataka-takang mag-ober-da-bakod si Rufa Mae dahil noong bago siya ikasal lumabas na rin ito sa TV5, sa programa ni Willie Revillame.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments