OH LABAN KA?!: RODJUN, AYAW PANG LUHURAN SI DIANNE!

0
112


Ang bongga lang na magti-10 years na pala ang relasyon nina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Idinaan nga ng Kapuso actor sa Instagram ang kanyang pagbati sa anniversary nila ni Dianne.

//platform.instagram.com/en_US/embeds.js

Ang relasyon bilang mag-girlfriend-boyfriend na yata nina Rodjun at Dianne ang maituturing na pinakamatagal sa showbiz sa henerasyon ngayon.

“Happy 9 years & 10 months baby ko @dianne_medina. Salamat talaga sa lahat! Vacation na tayo ulit soon ha….Love you so much,” sabi ni Rodjun.

Dahil sa haba na ng panahon na itinakbo ng lovelife nina Dianne at Rodjun, inuungutan na ang dalawa ng kasal ng mga followers nila sa IG. May nagsasabing mag-propose na si Rodjun kay Dianne para maitakda na ang kanilang wedding.

Wala na rin naman daw rason para patagalin pa ang kanilang relationship, kaya dapat lang na magpakasal na ang dalawa.

Ginawa namang inspirasyon ng ilan ang longtime partnership ng dalawa at sinabing ideal couple ang mga ito na dapat tularan.

Natatakot din naman ang iba na baka pag pinatagal pa nila ang kanilang boyfriend-girlfriend relationship ay bigla na lang silang magkasawaan at maghiwalay.

Pero malabong mangyari ‘yon lalo at sa huling linya ng caption ni Rodjun sa IG, sinabi niyang mahal na mahal niya si Dianne. Suspetsa ng iba secretly engaged na ang dalawa na hindi lang nila ipinakita sa social media.

Pero, ano nga kaya ang hinihintay pa ni Rodjun para lumuhod siya sa harap ni Dianne, iabot ang singsing at sabihin ang mga katagang “Will you marry me?”

RENZ, ARAW-ARAW DINARASAL ANG PAGLAYA NI MARK…

Kung mabibigyan ng konting panahon, gusto ni Renz Fernandez na dalawin sa selda ang half-sibling niyang si Mark Anthony Fernandez na nakakulong pa rin hanggang nga­yon sa Pampanga.

Tatlong buwan na ngang hindi nabibi­sita ni Renz ang kanyang kuya sa amang si Rudy Fernandez.

Kumustahin at ipakita ang suporta sa kanyang kuya ang isa sa mga rason ni Renz kaya nais niyang madalaw ang kapatid.

Natutuwa naman si Renz sa mga po­sitive feedback tungkol kay Mark Anthony. Nung huli raw niyang mabisita ito, narinig niyang sinabi sa loob ng kulungan na mabait ang kuya niya at dapat ay hindi na nila ito hinuli.

Parang kaibigan na raw ng kuya niya ang lahat ng mga tao sa loob ng selda.

Ang pagiging abala sa trabaho at malayong kulungan ni Mark ang ilan sa mga rason kung bakit hindi nagagawang bisitahin ni Renz ang kapatid.

Araw-araw na dalangin ni Renz na makalaya na ang kuya niya para makasama nila uli ito.

Si Renz nga pala ay kasama sa My Love From The Star, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

The post OH LABAN KA?!: RODJUN, AYAW PANG LUHURAN SI DIANNE! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments