OH LABAN KA?!: NORA, SUPORTADO ANG ‘PAGPAPAKALALAKE’ NI JAKE ZYRUS!

0
354


Jake at Nora

Suportado at ikinatuwa ng Superstar na si Nora Aunor ang balita sa pagiging trans-man ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco). Habang inaalalayan namin ang superstar papasok sa loob ng Kia Theater para sa kakatapos lang The Eddys (ng SPEEd) last Sunday, napagkuwentuhan namin ang tungkol sa pagpapalit na ng pangalan ni Charice na ngayon nga ay Jake na.

Ayon kay Ate Guy, alam niya ang balita dahil madalas siyang magbasa sa mga online at mayroon din naman siyang mga nakakausap na kaibigan na siyang nagbibigay sa kanya ng mga showbiz happenings.

Sabi sa amin ng award-winning actress, natutuwa siya sa decision ni Charice dahil pinanindigan nito kung ano ang nararamdaman niya. Hindi nakikita ni Nora na mali ang naging hakbang ni Charice na magpatapyas ng boobs at ngayon naman ay sumasailalim sa pagtuturok ng “testosterone” para madagdagan ang male hormones nito. Kung ano raw ang makakapagsaya sa singer, ‘yun ang importante.

Naniniwala rin si Ate Guy na hindi maapektuhan ang karisma ni Charice o Jake kung totoong nabago na ang timbre ng boses nito. Sey pa niya, nasa puso at damdamin ang pagkanta. Kung meron si Jake nito, lilitaw at lilitaw pa ang ganda ng boses nito.

Angelica, Camille, happy sa pagbubuntis ni Kaye!

Natuwa ang mga kaibigan sa showbiz ni Kaye Abad dahil sa pagbubuntis niya. Ilan sa mga friends ni Kaye ang nag-comment agad sa balitang ito gaya nina Angelica Panganiban at Camille Prats (na buntis din ngayon).

“Ayaaaannn na!!! @kaye_abad, congrats!” sabi ni Angelica.

“Soooo happy for you and pj ate!” sabi naman ni Camille.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments