OH LABAN KA?!: MATTEO-SARAH LAMBINGAN SA FRANCE, PEKE!

0
91


Umagaw ng atensyon ang isang post sa Instagram ni @gian_asher2625 kung saan magkasama sa selfie photo ang magkasintahang Sarah Geroni­mo at Matteo Guidicelli, at ka-join pa nila sina Anne Curtis, Erwan Heussaff at ang mag-asawang Nico Bolzico at Solenn Heussaff.

Kuha ang lara­wan sa France matapos ang running session ng grupo. Sabi sa caption…
“Couples who work out together stays together. Ccto.”

Sa umpisa parang authentic ang larawan, pero malalamang edited lang ito at isiningit lang talaga si Sarah sa larawan.

‘Yung ibang hindi marunong tumingin ay naniwala agad, at ‘yung iba ay nagsabi agad na fake ang nasabing larawan.

Sa original photo na naka-post sa IG ni Matteo, kasama niya ang apat at wala ang image ni Sarah.

At isa pa, pamilya lang talaga ni Matteo ang kasama niya sa France, at si Sarah ay busy rin naman dito sa Pinas.

Anyway, naging negative ang mga sa edited na photo na `yon. Lalo na sa mga umasa na magkasama nga ang dalawa sa France.

Regine, binitbit ang buong angkan sa Balesin!

Pagdating sa pamilya at sa pagmamahal sa kanyang buong kaanak, nangunguna si Regine Velasquez-Alcasid sa departamentong ito.

Kamakailan lang ay gumastos nang bonggang-bongga si Regine at hinakot ang buo niyang pamilya sa Balesin Island.

Isa sa pinakamahal na resort sa buong Pilipinas ang Balesin. Pero wala kay Regine ang pera makasama lang niya ang buong pamilya at sabay-sabay silang mag-enjoy sa bakasyon.

PRICELESS ang hashtag na mababasa sa caption ng mga photos na in-upload ni Regine sa kanyang Instagram account.

Walang katapat na pera ang masayang bonding nilang ito ng kanyang mga kapatid, bayaw, pamangkin, asawang si Ogie, anak na si Nate at ang kanyang ina.

“Sa panahon ngayon wala tayong gagawin na hindi natin binabayaran. Pero may mga pagkakata­ong kailangan paghandaan…gaya nito. There’s just some things money can’t buy.

Tama si MasterCard PRICELESS.”

Isa lang ang kulang sa kanilang family gathering, at ‘yun ay ang yumaong ama ni Regine na si Mang Gerry.

“We miss you papa @cacaimitra @mommy_de @mommy_tessie @jovelasquezig @raulmit­ra @ogiealcasid @orox70 @deca28 #vclanvacation2017.”

Sa sobrang kasiyahan ni Regine, halos mapuno ang IG niya nang sunud-sunod na pag-a-upload niya ng mga photos nila, na first time lang ginawa nito.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments