OH LABAN KA?!: LORD, BRING PEACE TO OUR LAND…

0
80


pray-marawiPatuloy ang pana­wagan ng dasal ng mga Pinoy celebs sa pamamagitan ng social media para sa kapayapaan sa Marawi City.

Apektado ang buong showbiz industry sa giyerang nagaganap ngayon sa Marawi, lalo at nagdeklara na ng Martial Law sa Mindanao si Pang. Duterte.

Nag-post ng #PrayForMarawi sina Jessa Zaragoza. Ganun din si Yasmien Kurdi.

@LOVE is my religion, kindness is my prayer, forgiveness is my temple and peace is my abode,” sabi pa ni Yasmien.

Pagkakaisa ang dasal ni Ruby Rodriguez: “What this world needs is a group hug. There has been some heartbreaking news, let’s all take a moment to #prayfortheworld.”

Apat na black ribbon ang pinoste ni Ara sa kanyang IG wall, isa para sa Manchester, Bangkok, Marawi at Syria.

“Pray for violence and terrorism to end,” kasunod ang mga hashtags na #pray para sa mga biktima ng terrorism.

Isang dove-image na may nakasulat na Pray for Marawi ang makikita sa IG wall ni Camille Prats.

“Praying for our kababayans in Mindanao especially in Marawi. Lord, bring peace to our land,  May your hand be upon those people who were hurt and whose lives have been taken,  You are a God who is just, may those who have inflicted harm and inhumane suffering to those who are innocent be accountable to what they have done.

“We pray our government, enlighten the hearts and minds of our government officials to make the right decisions that will be best for our country and its people.”

At Philippine flag na may lettering na Blue over Red ang nasa wall ni John Prats na nilagyan niya ng #prayforpeace  #prayformarawi.”

Asahang dadami pa ang mga hihingi ng dasal na mga celebrities lalo at hindi pa rin natatapos ang bakbakan sa Marawi.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments