OH LABAN KA?!: JUDAY, ‘DI PA BET GUMAWA NG MOVIE WITH PIOLO!

0
72


Juday at Piolo (Photo by: Boy Borja)

Ang muling pagkikita nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos ang isa sa mga nagbigay kulay sa nakaraang launching ng SunShorts ng Sunlife, kung saan ang dalawang bigating stars ang endor­sers, kasama sina Miss Charo Santos at Matteo Gui­dicelli.

Ang SunShorts ay para ipaliwanag sa lahat ang kahalagahan ng paghahanda sa kinabukasan. Tatlong magagandang short films na kapupulutan ng aral ang mapapanood sa lahat ng klase ng social media. Ang mga ito ay ang “Waves”, “She Said, She Said” at “Sayaw”.

Samantala, kinilig si Ms. Charo sa pagkikita nina Juday at Piolo sa okasyon na `yon, at sinabi niya sa interview namin sa kanya na nasasabik siyang mapanood uli ang dalawa sa big screen, pelikula man o teleserye.

Pero mukhang malabo pa itong mangyari dahil bagama’t bukas na sa posibilidad si Juday, patuloy niyang iginiit na dapat ay makapag-usap muna sila ni Piolo nang masinsinan.

Walang kagatol-gatol na nag-dialogue si Juday nang… “Kasi siya ‘yung maraming hanash” na ang ibig sabihin sa simpleng salita, “reklamo o komento o sinasabi”.

Maari rin itong ipatungkol sa salitang “sama ng loob”.

Ayon kay Juday, dapat silang mag-usap ni Piolo para maging maaliwalas ang paligid nila kapag nagsimula na silang magtrabaho sa isa’t isa. Hindi na dinetalye pa ni Juday pero ang masinsinang pag-uusap nila ni Piolo ang makakapagpalinaw ng lahat-lahat sa naging problema nila dati.

Mas gusto ni Juday na walang mamagitan sa kanilang pagkikita o magsi-set up ng pagkikita nila. Nais niyang kusang-loob itong mangyayari para hindi lumabas na ‘hinog-sa-pilit’ ang kanilang paguusap.

Hindi masasabi ni Juday na tuluyan na ngang na-plantsa ang anumang isyu sa kanila ni Piolo pero sa tuwing nagkikita sila nito ay nagkakabatian naman sila at nagkakamustahan.

Marami na ngang nag-alok ng project sa kanya para makapareha si Piolo. Maliban sa hindi niya type ang project, ayaw niyang sumalang na hindi sila nagkakausap nang husto ng aktor.

Nang kumustahin si Juday sa nababalitang pro­ject with Congresswoman Vilma Santos, biglang na-excite ito. Balita pa lang daw ang nakakarating sa kanya at wala pang formal offer na nakalatag sa harap niya.

Kahit wala pang storyline o frame ang project, sumasagot na ng “oo” para sa proyekto si Juday. Pa­n­garap daw niyang makasama si Ate Vi sa isang pelikula at hindi niya gustong palampasin ito.

Kung papipiliin siya sa dalawa, movie kasama si Piolo o si Vilma, mas gustong unahin ni Juday ang project kay Ate Vi.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments