OH LABAN KA?!: ELLEN, ARCI, TALBOG SA ALINDOG, ABS NI ERICH!

0
66


Arci, Erich at Ellen

Nagulantang at napangang­a ang mga barako sa pasabog na photo ni Erich Gonzales sa Instagram account niya. Kaka­ibang E­rich ang natunghayan ng kanyang mga fans, followers sa pinost niyang larawan, na malayo sa kanyang image bilang isang mahinhin at kiming dalaga mula sa probinsiya.

Nakakamangha ang kaseksihan ni Erich na kahit siguro ang fitness addict na si Aubrey Miles ay yuyuko sa kaseksihan ng Kapamilya star.

Masisilip sa IG wall ni Erich na naka-black 2-piece siya at parang nililok ng isang mahusay na sculpture ang kanyang kaseksihan. Bakat na bakat ang mga abs ni Erich at pati na ang kurba ng kanyang katawan na hinubog sa kambal na diet at exercise.

Pinataob ni Erich ang mga kaseksihan nina Solenn Heussaff, Sarah Lahbati, Denise Laurel, Ellen Adarna at kahit si Arci Muñoz.

Malinaw na makikita sa larawan kung gaano kaganda ang toned body ni Erich na animo ay isang international bikini model.

Inulan ng mga positive ang sexy photo ng aktres dahil sa ganda talaga ng pigura nito.

Marami ang nakapansin sa pagbabago ni Erich mula nung maghiwalay sila ni Daniel Matsunaga. Una ay ang pagpapaiksi niya ng buhok. Pangalawa, ang paglalabas niya ng cleavage at ngayon naman ang katawan niya sa suot na 2-piece bikini.

Maging sa klase ng role ay nag-iba na rin si E­rich. Action ang huling project na ginawa niya sa Ipaglaban Mo. At ngayon ay may ginagawa siyang action project muli.

Sabi, may gusto talagang patunayan ang aktres kaya niya inuunti-unti ang kanyang pagbabago ng image.

REGINE, MAY WARNING SA MGA MANLILIGAW KAY LEILA! 

Super proud si Regine Velasquez sa anak ng mister niyang si Ogie Alcasid na si Leila ­Alcasid.

Mula pa nung magkaroon ng mga imbitasyon si Leila mula sa mga TV shows at pictorials, hindi na natigil pa ang Songbird na purihin ang isa sa dalawang anak ng kanyang mister na si Ogie sa ex-wife nitong si Michelle Van Eimeren.

Sa kanyang post ng larawan ni Leila, ibinida uli ni Regine ang kanyang anak-anakan sa Instagram at binigyang kredito pa ang ina nitong si Michelle.

“Hala bakit ang sobrang ganda naman, manang-mana sa Nanay!!! @michellevaneimeren,” sey ni Regine.

Dahil may dugong Australian si Leila, ibinida rin ni Regine ang mga mata ng dalaga.

“By the way NO colored contact lens, those are her real eyes. Ang GANDA!!”

Nagbiro pa si Regine sa mga hashtags niya tungkol sa mga nagnanais na ligawan si Leila.

“#opilanaboys #goodlucknalangsainyo ­#istrikTatayniya.”

Umayon naman ang mga followers ni Regine sa pagbibida nito sa beauty ni Leila.

@nomieiglesias_dalusung: “SO PRETTY.”

@noreelai: “Very pretty indeed.”

Ang iba naman ay inihalintulad si Leila sa ­Hollywood star na si Selena Gomez.

The post OH LABAN KA?!: ELLEN, ARCI, TALBOG SA ALINDOG, ABS NI ERICH! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments