OH, LABAN KA?!: COLEEN, PA-SEXY PA RIN KAHIT KASAL NA KAY BILLY!

0
34


Billy at Coleen

Minsan lang daw nakadalaw si Coleen Garcia sa taping ng bagong reality-talent show ng ABS-CBN 2, ang Little Big Shots na si Billy Crawford ang host. Inamin ni Billy na mahilig siya sa mga bata at ganun din naman ang kanyang future wife na si Coleen, kaya naikuwento nitong aliw na aliw ang aktres sa panonood sa mga kids na sumalang sa taping.

Anyway, malapit na nga ang kasal nina Billy at Coleen. At sabi ni Billy, sakto lang sa naisip nilang plano ang magaganap na kasal.

“We announced it last year December. It’s going to be next year,” sey ni Billy.

‘Yun daw talaga ang napag-usapan nila ni Coleen, na magpakasal next year.

Nagdamot lang si Billy sa mga importanteng detalye ng kasal gaya ng date, pero ang alam ko, sa April next year nga ang wedding nila. Parehong hands on sina Coleen at Billy sa paghahanda ng kasal nila.

“Siguro it takes two to tango. So, it really defends on what we really want.”

Church ba ito?

“Makikita nyo na lang,” sabi niya.

Sabi, ayaw ni Coleen ng beach wedding dahil nakakapagod. Napakunut-noo si Billy sa pagtataka at saka naglinaw tungkol dito.

“Talaga? Si Coleen mahilig sa beach. Nakita mo naman ‘yung mga pictures niya di ba, puro sa beach.

“So, outdoor kami eh… So, I don’t know?” sambit ni Billy.

So, beach wedding ang magaganap na kasal niyo ni Coleen?

“Well, puwede naman kahit saan. Wala namang hint or anything,” sagot ni Billy.

Parehong Born Again Christian sina Billy at Coleen kaya hindi na kami magtataka kung isang Christian wedding ang magiging seremonya. Pipili na lang daw sila ng pastor na magkakasal sa kanila.

Inamin ni Billy na may mga pagkakataong salungat sila ng mga gusto ni Coleen sa ninanais nilang wedding. Pero hindi naman daw sila nagbabangayan.

“Ang natutunan namin ni Coleen is how to compromise. Hindi na ‘yung what I want, what she wants, ‘yung ganito, ‘yung ganyan. Walang swapang sa relasyong ito, we’re trying to please both of us kung ano ta­laga ang gusto naming,” pahayag pa ni Billy.

Anong klaseng husband and wife kaya kayo ni Coleen?

“Hindi ko alam kung anong klaseng husband ako or what Coleen would be as a wife. Pero my goal para sa akin, I want to be the husband that I can be for my wife and I’m sure Coleen is doing the same thing. So, ayun,” sagot ni Billy.

“We’re working on everything now para pagda­ting doon sa kasal, okey na,” dugtong pa niya.

Malinaw kina Billy at kay Coleen ang bounda­ries ng kanilang relasyon.

Giit ni Billy, “For now to be honest, Kasal, kasal. Trabaho, trabaho. ‘Yun ang kailangan. ‘Yun ang importante.”

Umayaw na lang magkomento si Billy sa usa­ping selos sa mga love scenes at kissing scenes ni Coleen.

“Bumabalik na lang tayo sa mga selos-selos na ‘yan. I don’t think I should comment on that selos-selos because it doesn’t really make any sense. Matagal-tagal na rin ‘yan,” esplika ni Billy.

Wala raw magiging problema kay Billy kung ipagpapatuloy ni Coleen ang klase ng mga roles na ginagampanan nito, o ang pagpapa-sexy sa harap ng kamera.

“That’s her job!” say pa ni Billy.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments