OH, LABAN KA?!: CHARACTER ACTRESS, MEGA-‘HANASH’ KAY AKTRES!

0
51


Banas na ba­nas ang isang sikat at magaling na character actress sa isang aktres na nakasama na niya sa isang soap opera. Walang pakundangan kung magkuwento ang may edad na ring character actress sa ibang tao kung gaano niya kinaiinisan ang tinutukoy niyang aktres.

May hindi magandang karanasan si character actress sa aktres dahil sinabi nito sa mga nakakausap na sa lahat daw ng mga nakatrabaho niyang artista, ito lang daw ang walang modo at hindi rumirespeto sa gaya niyang mas matagal na sa industriya.

Binanggit pa niya isa-isa ang mga malalaking artistang nakasama niya sa pelikula at telebisyon na rumespeto sa kanya pero ang laki raw ng kaibahan ng tinutukoy niyang aktres sa mga ito, pagda­ting sa ugali at pakikisama.

Hindi na ikinuwento pa ni character actress kung ano ang dahilan ng kanyang sentimyento at galit sa sinasabi niyang aktres pero ipinagdidiinan niyang hin­ding-hindi raw niya gugustuhin pang makasama ito kahit kapalit pa ay ang malaking ta­lent fee sa proyektong iaalok sa kanya.

Kamakailan lang, iisang show ang nilabasan ng cha­racter actress at ng kinaiinisang aktres, pero hindi sila nagkita. Alam ni character actress na naroon ang kinaaa­yawan niyang aktres pero hindi sila nagkita.

Mukhang walang alam si aktres sa nararamdaman para sa kanya ni character actress. Kung nakarating sa kanya ang sintimyento nito, dalawa lang ang posibleng gawin nito, hahanap ng paraan para mag-apologize o pipigilan niya ang paglabas ng character actress sa show dahil puwedeng depensahan niya ang sarili na malinis ang kunsensya niya sa isyu.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments