Obese monkey na si Uncle Fat, pinagda-diet

0
65


Tumi-trending ngayon ang obese na unggoy na tinawag na si “Uncle Fat” na mula sa Thailand.

On a strict diet si Uncle Fat, isang wild macaque, dahil sa timbang nito ngayon na 60 pounds (26 kgs) at tinatayang nasa edad 10-15.

Ang obese macaque na si Uncle Fat mula sa Thailand, ni-rescue ng mga awtoridad matapos makita at mapag-aralan ang kondisyon nito. Lumubo ang naturang unggoy mula sa mga junk food at soda na kinain nito na bigay o tira ng mga tao. (AP)

Si Uncle Fat ay isa lamang sa mga hayop na malayang nakakaikot sa maraming bahagi ng nasabing bansa – bilang atraksyon sa mga turistang nakikipag-interact din sa kanila kasama na ang pagbibigay sa mga pagkain sa mga ito.

Karaniwang unggoy na makikita rito ay macaques na may timbang na 20 pounds (9 kgs) – malayo sa timbang ni Uncle Fat. Sa laki nito kinailangan siyang i-rescue para hindi manganib ang kanyang kondisyon.

“It was not easy to catch him,” ayon kay Kacha Phukem, ang wildlife official na nagsagawa ng pagligtas kay Uncle Fat noong April 27. “He was the leader of his pack, and when I tried to go in, I had to fight off a flock of them with sticks.”

Ang unggoy na si Uncle Fat. Chunky at cute tignan pero delikado ang lagay nito dahil nagkaroon ito ng benign tumor – na maaaring magdulot ng high risk of heart disease at diabetes. (AP)

“He had minions and other monkeys bringing food for him but he would also re-distribute it to younger monkeys,” banggit naman ni Supakarn Kaewchot, ang veterinarian na in charge sa pagkaing tama lang para sa unggoy.

Isinisisi ng awtoridad ang mga tao sa paglobo ni Uncle Fat. Marahil naaawa ang mga tao kaya pinapakain ang mga hayop ng pagkaing kung tutuusin hindi tama para sa tulad ni Uncle Fat.

May fat mass ito. Nakuha niya ito sa mga pagkaing binibigay ng mga tao kaya ang resulta nagkaroon ito ng benign tumor – na maaaring magdulot sa kanya ng high risk of heart disease at diabetes.

Limitado ngayon ang pagkain ng naturang unggoy – 400grams lang ng lean protein, fruits at vegetables dalawang beses kada araw. Kapag naging maayos na ang kondisyon nito ay pwede na siyang pakawalan.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments