Nyoy, gaganap na drag queen sa entablado

0
91


Nyoy bilang ‘Lola’ sa Tony Award-winning musical na ‘Kinky Boots’

Sabik nang gumanap bilang drag queen sa isang musical ang singer at ‘Tawag ng Tanghalan’ hurado na si Nyoy Volante. 

Ine-enjoy ni Volante ang challenge na gumanap bilang si ‘Lola’, ang karakter na drag queen sa Tony Award-winning musical na ‘Kinky Boots’. 

“I take on a challenge, and I have fun doing it, and anything out of my character that will label me as crazy. Yes, I was very excited,” ani Volante. 

Iba raw ito sa mga performance niya noon sa ‘Your Face Sounds Familiar’ at sa pagganap niya noon sa musical na ‘Rent’.

“Ito talaga ‘yung full force. My makeup, the whole entire show, cross dresser, tranny, and a normal person. Boy-girl, boy-girl ako dito. ‘Yun ang mahirap, ‘yung transition,” kuwento niya. 

Dahil kakaiba ang karakter na gagampanan niya, pinag-aaralan niyang mabuti ang role at maaari rin daw siyang humingi ng tips mula kay Vice Ganda, lalo pa’t wala naman daw siyang tampo sa ‘It’s Showtime’.

“Yes, why not watch clips and films of people who do it? They have different approaches, and do your own interpretation, and put your own flavor,” aniya. 

“They [‘It’s Showtime’] are very supportive naman. Marami namang hurado doon,” aniya. 

Kasama niya sa musical na ito ang mga local theater artists kaya positibo siya sa kalalabasan nito. 

“I’m excited because we get to see the shows from the US, Broadway, West end, etcetera,” sabi ni Volante.

“The theater movement is getting a lot of attention in the Philippines. We can only hope for more in the future,” dagdag pa niya.

Dahil tuloy tuloy ang blessings kay Nyoy, hindi naman niya sinasara ang kanyang pinto sa posibilidad ng pagkakaroon muli ng anak.

“It happens when it happens. We’re not in a hurry. It’s just a matter of tamang timing lang. We want. Hindi namin hinihindian ang blessings. Boy sana. May girl na kami, so boy naman,” ani Volante. 

Suportado naman siya ng kanyang pamilya sa mga gagampanan niyang role sa teatro man o bilang ama. 

Ipalalabas ang ‘Kinky Boots’ sa Maynila sa darating na Hunyo 30. 

— Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments