Nora at Vilma, magkalaban na naman | Tempo

0
63


SUPORTADO si Winwyn Marquez ng “Mulawin vs. Ravena” co-stars niya sa laban niya sa Miss World-Philippines 2017. Sa September 3 gaganapin ang coronation night sa Mall of Asia at ipinagdarasal ng MVR co-stars niya na sana’y manalo siya.

Pinatay na ang karakter ni Winwyn bilang Ribay. The past few weeks ay naging busy ang Miss World-Philippines candidates sa iba’t-ibang activities.

Si Chynna Ortaleza na naging close kay Winwyn noong nasa MVR pa ito’y nagsabing dream talaga nito maging beauty queen. ‘Yun daw ang parating nababanggit sa kanya ni Winwyn. “I’m praying na sana’y manalo si Winwyn,” ani Chynna na gumaganap bilang Rashana sa MVR.

Bumait na

Nag-spoiler si Dion Ignacio kung ano’ng mangyayari sa anak nila ni Lovi Poe sa “Mulawin vs. Ravena.” Hindi namin isinulat para hindi ma-pre-empt. Last three weeks na lang ang MVR na ayon pa kay Dion na gumaganap bilang Siklab, bumait na ang karakter niya.

Nagsanib-puwersa na sila ni Dennis Trillo (Gabriel) para labanan si Daragit (Roi Vinzon) at ang mga kapanalig nito.

Hindi ba siya nagkaroon ng ibang feelings sa pagtatrabaho nila ni Lovi (gumaganap bilang Magindara)? “Sino ba naman ang hindi mahahalina kay Lovi? Maganda, mabait at seksi. Madali siya kaeksena,” saad ni Dion.

Pareho na silang “taken” ni Lovi. May Chris Johnson ang dalaga, meron namang non-showbiz girlfriend si Dion. Flight attendant ito na ani Dion, ex- GF niya ito at nagkabalikan sila after eight years.

Puring-puri naman ni Dion si Dennis Trillo na aniya, professional at napakahusay na aktor. Pinapanood niya ito at inoobserbahan kapag may eksena kung paano nito gagawin. Nagkatrabaho na sila sa “Zaido: Pulis Pangkalawakan” sa GMA7.

Nominated

Parehong nangako sina Nora Aunor at Congresswoman Vilma Santos-Recto na dadalo sila sa PMPC Star Awards for Movies na gaganapin on September 3 sa Resorts World. Sila ang recipients ng Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino award.

Pareho rin silang nominated for best actress. Si Vilma sa “Everything About Her, “si Nora sa “Kabisera.” Nominated din sina Kathryn Bernardo (“Barcelona”), Janice de Belen (“Ringgo, The Dog Shooter”), Lotlot de Leon (“1st Sem”), Jaclyn Jose (“Ma’ Rosa”), Hasmine Killip (“Pamilya Ordinaryo”), Angel Locsin (“Everything About Her”), Charo Santos (“Ang Babaeng Humayo”) at Judy Ann Santos (“Kusina”).

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/08/31/nora-at-vilma-magkalaban-na-naman/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments