Nilulutong recall election ng kampo nina Isko at Lacuna vs Erap, tinabla ni Mayor Lim

0
65


NAGPAPAPLANO raw magkasa ng recall election laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada ang ilang konsehal sa Maynila.

Hindi maikakaila kung sino ang may pakana at nasa likod ng inisyatiba dahil ang mga umiikot na konsehal ay nagmula sa kampo ni dating vice mayor at talunang senatorial candidate Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at kaalyadong bise ngayon ni Erap na si Honey Lacuna-Pangan.

Balitang sinubukan nilang himukin si Mayor Alfredo Lim para kombinsihin na pangunahan ang binabalak na recall election sa Maynila.

Natatakot si Isko at ang mga alaga nila ni Lacuna na maglalabasan ang kanilang mga baho kaya’t si Mayor Lim ang balak nilang isagupa sa dati nilang amo.

Pero mukhang hindi yata kumagat si Mayor Lim at mabilis na nakatunog sa motibong iniuumang na patibong ng ‘sour graping’ na pangkat nina Isko at Lacuna.

Pagdating sa manipulasyon ay marami pang kakaning bigas ang pangkat nina Isko at Lacuna para ang isang tulad ni Mayor Lim ay magamit nilang kasangkapan sa politika.

Masyadong mababaw ang maniobra para hindi mahalata ni Mayor Lim na nais nila siyang gamitin para sa ambisyon ni Isko na makatakbong alkalde, sakaling magtagumpay ang recall election, sa lalong madaling panahon.
Naisip sana nila na may nakabinbing protesta si Mayor Lim laban kay Erap na pinatutulog lang ng Legal Division sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng mga iregularidad noong 2016 election sa Maynila.

Ang protesta ni Mayor Lim na itinetengga ng Comelec sana ang kinalampag nila para hindi mahalatang manipulasyon para sa personal political interest lang ang kanilang intensiyon.

Gusto palang magpa-recall ng mga damuho, bakit si Mayor Lim ang ibibili nila ng away?

Porke’t may nakabinbing protesta si Mayor Lim sa Comelec ay inakala nila na desperadong tulad nila at ni Isko.

Sa pagkakaalam natin, kampo rin nila ang nagpakalat na tatakbong alkalde sa 2019 si dating senador Manny Villar sa Maynila at si Isko ang bise.

Pero hindi pumatok ang inilutang na tambalan ng agad nabansagang ‘Partido ng Basura’ – isang lumangoy sa dagat ng basura at isang dating namumulot ng basura.

Palibhasa, mabantot na sa ‘di lang mabantot si Isko sa Maynila.

Katunayan, sa Tondo mismo na kanyang distrito ay talo si Isko sa pagtakbong senador noong nakaraang halalan sa tiket nina Sens. Grace Poe at Chiz Escudero.

At kahit ano pa ang gawin ni Isko ay mahihirapan na siyang ibangon ang nakalibing na political career sa Maynila.

Pipitsuging manipulator ang bagay na itawag kay Isko at sa kanyang mga kasama.

KON. ZARCAL UMAYOS KA!

IPATATAWAG raw sa Konseho ang communications company na magtatayo ng cell sites sa Maynila.

Si Kon. Manuel ‘Letlet’ Zarcal (3rd Dist.) ang may pasimuno sa isasagawang pagdinig ng committee on environment na pinamumunuan naman bilang chairman ni Kon. Rod Lacsamana ng 2nd Dist.

Kahit mukha lang may cancer si Zarcal, kahit wala, ay nais daw nilang ipatawag ang Globe, Smart at Sun sanhi ng posibleng panganib ng mga itatayong cell sites sa kalusugan.

Wala naman sanang masama na pahalaga-han ang kalusugan at isaalang-alang ang buhay ng mamamayan laban sa banta ng panganib na maaring idulot ng mga cell sites.

Pero hindi ba’t noon, sa pangunguna ni Isko na noo’y vice mayor, ay ipinuwera pa nga ng Konseho ang Smart sa pagbabayad ng buwis sa Maynila?

Matatandaan na noong 2014 ay nagpasa ang Konseho ng kontrobersiyal na ordinansa na nag-dedeklarang exempted ang Smart sa pagbaba-yad ng buwis.

Ikinagalit pa nga nila ang pagkontra ni Mayor Lim at pag-reject sa ordinansa na makaaapekto sa nakokolektang buwis ng city hall mula sa Smart na umaabot sa mahigit P100 milyon.

Mas mabuti pa, kuwestiyonin na lang ulit ni Zarcal ang illegal terminal sa Lawton at pagbuwag sa nakasasakop na barangay, na noong panahon ni Mayor Lito Atienza ay paborito ninyang banatan.

Ano naman ang garantiya na hindi pagkakakuwartahan ang pakay ng imbestigas-yon nina Zarcal at Lacsamana sa mga communications company?

Puwede ba, ‘wag nang isangkalan ang kapakanan ng publiko sa kunwa-kunwarian?!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments