NEWSKUPO!: Patama sa ‘yo –

0
42


Ang Pinoy bakit ganu’n minsan may galit sa kapwa pero puro patama, puro pahaging, puro padaplis, puro parinig.

Kung may galit ka sa akin bakit ‘di mo ko deretsahin? ‘Yan ang laging eksena ng kumprontasyon ­kasi nga puro patama.

At dahil na rin sa nauso ang social media sandamakmak at sangkaterba ang mga patama.

Narito ang ilan sa kanila.

Bakit ka pa hanap nang hanap? Tumingin ka lang sa paligid mo. Andito lang ako.

Kung gusto mo pala akong saktan, e ‘di dapat niyaya mo na lang ako ng suntukan!

Gwapo ka pero mayabang ka naman.

Sabi mo ikamamatay mo ‘pag nawala ako sa’yo. Ngayon wala na tayo. Pwede ba tuparin mo na pangako mo. Pls.

BAYAD BAYAD NAMAN NG UTANG. ABA.

Kahit common sense lang sa birthday mo.

Sa ating dalawa, Ikaw ang mas tanga kasi sumama ka na nga lang sa Linta pa!

Marry You bago Versace on the Floor bes. Huwag atat!
‘Yung pagtangkad ko parang pagmamahal ko sa’yo. ­Tumigil na!

Harot-harot pero ang ending niyan hurt-hurt imbis na hart-hart.
Hanggang drawing ka na lang!!!!!!!!!!! lagi naman.

Ako ang biktima dito. Wala kang alam!
Bes, baka naman ‘yung inutang mo sa akin ipang-date ­niyo? Mahiya ka naman.

“AYOS LANG AKO :)” Salitang Sinasabi pero ang Totoo Nasasaktan na’ko.
Why can’t I hold you in the street.

Saklap lang, hanggang backread na lang ako sa chats natin.
Hindi naman talaga ako umasa, sadyang nagbigay ka lang ng motibo.

Nagsimula sa ‘hi’ natapos sa ‘seen’.
Beshies pa rin ba tayo?

Higa ka nang Higa, Matakaw ka pa… Ano ka baboy?!
DON’T EVER date someone who can be both: PAASA & MANLOLOKO.

Wag kang paasa, assumera, feelingera at mang-aagaw!!!
Ang sakit kayang maging third wheel.

Siguro mas maganda talaga na wag muna tayong mag-­assume sa sweetness niya kasi malay mo, trip lang pala niya.

I love my dog for he knows how to stay.
You should eat some makeup, at least you’ll be pretty on the inside.

Para tayong domino. Nahulog ako sa’yo. Nahulog ka ­naman sa iba.
Ingat ka. Pakikiligin ka lang ‘yan pero biglang mawawala.

Kulang sa tulog pero never nagkulang sa’yo.
Nagising na rin siguro ako, sa bangungot na dala ng ­pagmamahal mo.

Makati. Lugar ‘yan pero inuugali mo.
Buti pa ang k-drama, pinapakilig ako. Eh ikaw, nakakapangilabot ka!

Nu’ng minahal kita, may reklamo ba ako? Bakit ngayong may iba na ako, puro ka reklamo?!

Madaling sabihin, mahirap gawin. Madaling mahalin, ­mahirap kalimutan!
Wag kang martir. 2017 na. ‘Di na uso tanga.

May limitasyon ang katangahan. Untog-untog din ‘pag may time.
Uso mag-reply. Try mo, ‘di nakamamatay.

Dalawang dahilan kung bakit hindi tayo nagtitiwala sa ibang tao:
1. Hindi natin sila kilala.
2. Kilala na natin sila.

Uy musta? — Teka alam ko na ‘yang modus mo, anong kailangan mo?
Ang lamig naman. Parang ikaw lang. Malabo maging tayo, ‘yun ang malinaw.

Online siya. Online crush niya. Asa pa. Logout na.
Ingat ka, magpapakilig lang pero mawawala bigla.

Ganu’n talaga. Pag walang kailangan wala ring pansinan?
May nanalo na bes

Yung taong nangako sa’yong papasayahin ka, ayun ginagawa niya na sa iba.
Bes lang daw pero wagas maglandian.

Gusto ko sanang magtampo sa’yo. Kaso naalala ko, hindi nga pala tayo.
Sabihin mo nang harapan. Hindi puro status.

Kahit gaano kaganda ang nakaraan, alam mong kahit kailan ‘di ko na pwedeng balikan.
Kaya ko naman mabuhay nang wala ka. Hindi ka hangin!

PIKIT KA! ANG DILIM ‘DI BA? ­GANYAN KILI-KILI MO BES! MAY PUOT AT GALIT!!!!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments