NEWSKUPO!: Berdugo ng Kalsada –

0
58


Alam naman po ng mga taga -Kyusi partikular na ang mga nakatira sa Far View o Fairview na sinimulan na ang MRT-7 kung saan kapag natapos eh napakara­ming mananakay ang maseserbisyuhan nito sa 2019.

Magandang simulain at looking forward ang marami rito at nakahandang magtiis na suungin ang expected na traffic na dulot nito kapalit ng pro­mise of forever na genuine serbisyo publiko ng ating gobyerno.

Pero habang nagtitiis ang milyong motorista sa pagsisikip ng trapiko na likha ng construction ng MRT-7.

Eh wala na atang patamang sasapul sa diwa at kaluluwa ng mga manhid na contractor ng mga road reblocking projects na sumasabay sa kasagsagan ng MRT-7 construction. Alam naman ng madlang pipol eh.

Ayokong gumamit ng mga salitang mangungungakot este mangungumisyon diyan sa DPWH.

Pero utang na loob naman! Hindi naman tayo dapat naglolokohan dito at lalong hindi mo maloloko ang mga taga-Bulacan at Fairview na araw-araw nagdaraan sa Belfast at sa tapat ng Brittany Village diyan sa Regalado Fairview.

Maayos pa yang kalsadang yan wala pang six months mula nung matapos ang pagpapaganda niyang kalye na yan pero binabakbak nyo na naman. Kulang pa ba kinita nyo?

Naninikluhod na po ang mga motorista sa inyo DPWH huwag nyo naman sanang ibalik sa pamamagitan ng pasakit at pahirap ang buwis na ginagamit nyo sa pagpapagawa ng mga kalyeng yan kundi naman talaga kailangan pa.

Walang masama sa ginagawa nyo eh pero halata naming gumagawa kayo ng proyekto kahit wala pang dapat gawin sa kalsadang matino at nanahimik eh.

At ang pinakamasakit dito wala kayong pakialam o kunsensya kahit alam nyo na hirap na hirap na ang publiko sa traffic na idinudulot ng MRT-7 construction, sinasabayan nyo pa?

Kaya DPWH, Boss Mark tukayo Secretary Mark Villar nagpipiyesta po ang mga nasa ilalim ng poder nyo! At ikaw po ang sumasalo sa tawag na Berdugo ng kalsada. Ilang beses na pong napag- usapan ang ganitong obvious na pamemera lang ng kagawaran ninyo sa social media.

Para sa iba larawan ito kung gaano kamanhid ang mga tauhan mo na obviously sabi nga ng jeepney driver na mas nakakaintindi pa sa inyo dyan ng kahulugan ng pagiging makatao, eh “namemera lang po” mga tauhan ninyo.

Nakakahiya naman kay mamang driver kumpara sa inyong mga engineers, pero sorry po ha nagugutom na kasi pamilya ni manong driver wala na kinikita si tatay.

Parang awa mo na DPWH Secretary Mark Villar. Sa inyo ba ang mga proyektong ito? Baka naman pwedeng silipin mo naman ang mga proyekto ng mga tao mo.

At medyo magkaroon muna ng moratorium sa hukay kasi mistulang hukay na po ng mga apektadong tao ang hinuhukay ng mga tao nyo po.

Marami ang mistulang pinapatay sa pahirap. Kawawa rin yung mga construction workers na actually eh sumasalo ng mura ng mga motorista na nagtitiis sa walang kunsensyang pagsabay nyo sa buwis buhay nang hirap na suungin ang traffic na gawa ng construction ng MRT-7.  

Apektado ang kabuhayan ng maraming tao pati na rin mga estudyanteng yan lang ang alam na daan patungo sa mga paaralan nila na ang iba pa sa Maynila pumapasok.

Secretary Mark maganda po ang reputasyon ng inyong pamilya wag nyo sanang sirain ng mga proyektong ito ng iyong mga tauhan na kahit Grade 1 ay hindi maiintindihan kung bakit isinasabay pa sa napakasikip ng trapiko sa lugar na yan.

Bakit kaya ganun, kumita lang sa proyekto eh hindi bale nang magutom ang iba na parehas at marangal kung maghanapbuhay. Hindi naman po masamang gawin ang trabaho nyo pero pwede bang samahan ng konting pag-iisip ng tama. Pwede namang sa ibang lugar muna. PLEASE?



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments