NEWSKUPO!: Ang Tatay ko! –

0
60


Happy Father’s Day sa lahat narito ang mga sharing ng ating mga netizens sa araw na ito. Pagbebenta sa kung sino sa buhay nila ang kanilang mga Ama.

Eto na po 

Ang Tatay ko parang si Superman, gagawin ang lahat ng mga bagay kahit mahirap para mapasaya at mabigay ang gusto namin 

Ang Tatay ko parang barangay captain. Daig pa ang barangay captain sa dami ng mga taong humihingi ng tulong sa kanya. 

Ang Tatay ko parang si Batman… Siya ang bahala sa lahat… lalo na sa work. With matching utility belt pa… 

Ang Tatay ko ang bilis magpalit ng boyfriend. (Ano raw?) 

Ang Tatay ko hindi engineer, pero magkakaroon na siya ng engineer – dahil sa’kin.

Ang Tatay ko pasaway!

Ang Tatay ko kahit pinalo-palo ako noong bata ako, mahal ko pa rin iyon, salamat sa pagdidisiplina

Ang Tatay ko ay ang kaisa-isang lalaking hinding hindi ako iiwan. 

Ang Tatay ko ang idol ko, nu’ng minsan nagkasakit ‘yung nanay ko ng ilang taon ‘di n’ya i2 iniwan. Itoy lalo n’yang minahal at inunawa.

Ang Tatay ko parang my unlimited energy kasi s’ya ‘yung tipo ng tao na hinding hindi mo mapapansin na napapagod, kase alam n’ya na para sa’min ‘yun

Ang Tatay ko nilulutuan pa rin ako ng breakfast kahit 22 years old na ako dahil forever baby n’ya raw ako 🙂 napakabuti niyang ama

Kahit na ikinahiya n’ya ako dahil mas inuna n’ya ‘yung pride n’ya. Kahit ganu’n naging mabuti siya sakin at sa aming magkakapatid ‘yan ang Tatay ko.

Ang Tatay ko walang hiya, tinalikuran n’ya ako magmula ng nasa tiyan pa ako ni Mama. ‘Di man lang niya ako hinanap until now.

Ang Tatay ko ay the best kasi kahit single parent sa aming magkakapatid, naitaguyod pa rin kami. Love u dad.

Ang Tatay ko ay kamukha ko! YEHEY! 

Ang Tatay ko ay parang kuya ko lang. 

Ang Tatay ko ang nagturo sa aking maging matibay at matatag. He’s gone, but all the lessons I’ve learned remain.

Ang Tatay ko ay… patay na. Nagkaroon siya ng mahigit sa 6 na asawa. Ano maaari kong gawin? Huwag siyang tularan. 

Ang Tatay ko ay tatay niya din.

Ang Tatay ko ay… tulog na bukas ko na babatiin

Ang Tatay ko ay ang aking modern-day Jose Rizal.

Ang Tatay ko kahit anong gawin kong mali ‘di n’ya ako pinapabayaan

Ang Tatay ko kaya s’ya nag abroad at nagpapakahirap, dahil gusto niya na makapag-aral ako sa magandang school.

Ang Tatay ko kapag lasing laging may sinasabing kakaiba 

Ang Tatay ko sana mahilig din sa kpop 

Ang Tatay ko ay NAPAKA 

napakagwapo

napakabait

napakalambing 

at iba pa 

Ang Tatay ko missing in action since I was 3. Ngayong tatay na din ako, sinisigurado kong history won’t repeat itself.

Ang Tatay ko parang battery ng sasakyan at wax, tumatagal… sa inuman

Ang Tatay ko kahit may trabaho na ko at lahat, ipinagluluto, hinahainan ng pagkain at ginigising pa rin niya ako tuwing umaga. 

Ang Tatay ko parang kapote, karamay during storm.

Ang Tatay ko parang kape, ‘pag ‘di mo natimpla nang tama, mapait at nakaka-nerbyos.

Ang Tatay ko ay maraming taong natulungan sa buhay at mga pinag-aral na estudyante. Daming nakiramay when he died.

Ang Tatay ko parang Czechoslovakia, ang hirap ispellengin.

Ang Tatay ko dinadalan ako ng snacks nung college bago umuwi sa bahay 🙂 now I miss that… now that he’s in heaven.

Ang Tatay ko ang DepEd namin no’n. Nasa kanya nakasalalay kung papasok kami ‘pag umuulan. Hindi sa school

Ang Tatay ko kahit galit na galit sa bading, mahal na mahal niya ako.

Ang Tatay ko ay tatay din ng kapatid ko.

Ang Tatay ko ‘pag nag-joke, mauuna muna ung tawa bago masabe ung mismong joke. Mejo korni 

Ang Tatay ko kayang paluhurin ang nanay ko, sabay sigaw ni mama “hoy damuho ka, lumabas ka sa ilalim ng kama” 

Ang Tatay ko ang LION OF THE FAMI­LY… ang Nanay ko ang may hawak ng LATIGO. 

Ang Tatay ko saken pinama lahat ng daster niya

Ang Tatay ko “My Partner in Crime.” ‘Yung tipong kami lang ‘yung nakakaalam ng kalokohan namen. Bwal malaman ni mudang 🙂 

Ang Tatay ko ay parang utot na walang tunog at amoy! Swabe!!! 

Ang Tatay ko sobrang cool, mas gusto pang magka-boyfriend ako kesa manood ako ng mga anime! 

Ang Tatay ko ay ang Nanay ko din. He left is when I was 5 yrs old. Im 32 now.

Ang Tatay ko ay may 7 M’s: Madaldal, Maingay, Madiskarte, Magaling sa basketball at Mahal na Mahal na Mahal ako 

Ang Tatay ko ang may pinakamahaaaaaaaabang pasensya na nakilala ko 🙂

Ang Tatay ko Funny kasi nabali niya ‘yung tsinelas in two habang tini-testing kung gaano kalambot ito. Ibinalik sa estante ‘yung tsinelas.

Ang Tatay ko gusto kong makilala… Kahit isang araw lang. 

Ang Tatay ko ay la­ging galit, kaya nga 18 kami magkakapatid e 

Ang Tatay ko No to RH Bill pero YES to RH Beer! (Red Horse) 

Ang Tatay ko cool! Sabi nya “anak, dapat maging matatag ka hindi lang sa hamon ng buhay kundi pati sa hamon ng pulang kabayo. Tagay na!”

Ang Tatay ko parang twitter lang ‘pag nag-sermon. 140 characters lang. 

Ang Tatay ko parang collection agency. Wala ka pa bang sweldo, due date na kuryente. Lagot tayo sa nanay mo.

Ang Tatay ko 63 pero parang 23 parin kayang kaya paring sumakay sa kalabaw at mag trabaho mag hapon sa bukid. 

Ang Tatay ko mabait, makulit, malambing, medyo bastos 

Ang Tatay ko kala mo director. Lahat ng gawin ko laging ‘cut!’ Dapat ganito, dapat ganyan.  



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments