Netizens, hinangaan ang husay ni Iza sa ‘A Love To Last’

0
80



Isang makapanindig balahibong drama ang pinakita ng award-winning actress na si Iza Calzado sa episode ng “A Love To Last” nitong Martes. 

Ginagampanan niya ang karakter ni Grace, ang kontrabida sa istorya. 

Bagama’t marami ang naiinis sa kanyang karakter, matagumpay na nakuha ni Grace ang simpatya ng mga netizens matapos nilang matunghayan ang pagmamahal nito para sa kanyang anak na si Lucas (JK Labajo). 

Nasa kritikal na kondisyon si Lucas matapos siyang masagasaan. Bukod kay Grace, kumaripas din patungong hospital si Anton (Ian Veneracion), ang ama ni Lucas kasama ang bagong partner nitong si Andeng (Bea Alonzo). 

Pansamantalang isinantabi nina Andeng at Grace ang kanilang hindi pagkakaintindihan at nag-focus na lamang kay Lucas, na muntik nang mag-agaw-buhay dahil sa laki ng pinsalang natamo mula sa pagkakabangga. 

Si Anton at Grace lamang ang pinahintulutan ng doktor na pumasok sa emergency room at masilayan ang kanilang anak. Sa gitna ng pag-aalala, hindi napigilan ni Grace na mapa-iyak at magsabi ng sama ng loob kay Anton. 

Maraming netizens ang nakisabay sa pagluha niGrace. Agad din silang nagt-post ng kani-kanilang mga reaksyon sa social media. Narito ang ilan: 

Tutukan ang mga susunod na episodes ng “A Love To Last” pagkatapos ng “My Dear Heart.” 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments