NCAA: PIRATES PINULBOS ANG CHIEFS

0
52


Nangibabaw si Mike Nzeusseu ng Lyceum Pirates laban kina Lervin Flores, Michael Canete at Kent Salado ng Arellano Chiefs sa aksiyon kahapon sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa FilOil Arena sa San Juan. Wagi ang Pirates 99-65. (Patrick Adalin)

Mga laro bukas: (Huwebes)
(San Sebastian Gym)
2:00 p.m. — SSC-R vs JRU (Jrs)
4:00 p.m. — SSC-R vs JRU (Srs)

Patuloy ang pamamayagpag ng Lyceum of the Philippines matapos nilang harurutin ang Arellano University, 99-65 kahapon sa  NCAA Season 93 basketball tournament sa The Arena, San Juan.

Pinahaba ng Pirates ang kanilang winning streak sa apat matapos magsanib puwersa sa opensa at depensa sina CJ Perez, Jaycee Marcelino, Jasper Ayaay at Ralph Tansingco.

Kumana si Perez ng walo sa 16 puntos nito sa fourth quarter upang itarak ang malinis na apat na panalo at ipalasap sa Chiefs ang pangalawang talo sa apat na salang.

Unang biniktima ng Intramuros-based squad ­Lyceum ang Jose Rizal University, pangalawang ang defending champion San Beda College sunod ang San Sebastian College.

Nagtulungan ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino upang hawakan ng LPU ang 10-point lead sa halftime, 40-30.

“Medyo sinwerte. We caught them in a bad afternoon and we took advantage. The players stood up to the challenge of improving every game,” saad ni Lyceum coach Topex Robinson.

Hindi naman inaasahan ni Robinson na magiging tambakan ang labanan dahil alam naman nito ang tikas ng Arellano.

“Obviously we weren’t expecting this result. We just challenged these guys and made sure na they’re grounded and they know their purpose,” wika ni Robinson.

Para kay Robinson, mahaba pa ang labanan, may 14 pa kaya nais lang muna nilang manalo nang manalo sa elimination round.

“The championship is not within our reach. It’s there and we just have to keep on winning and getting used to winning together,” hayag ni Robinson.

Nirehistro nina Jaycee, Ayaay at Tansingco ang tig- 13 points habang may tig walong puntos sina Mike Nzeusseu, Nino Ibanez at Jayvee.

Nagtala sina Zach Nicholls at Kent Salado ng tig- 12 at 11 markers ayon sa pagkakasunod.

Sa unang laro, naitakas ng Emilio Aguinaldo ang mahirap na 77-72 panalo kontra Mapua University.

Tumikada si Sidney Onwubere ng 22 puntos para sa Generals, na may 2-2 karta. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments