NCAA: MAPUA BABANGON –

0
53


Mga laro ngayon: 
(The Arena, San Juan) 
12:00 NN — Perpetual vs Saint Benilde 
2:00 p.m. — Jose Rizal vs Lyceum 
4:00 p.m. — Letran vs Mapua 

Tatlong pares ng NCAA games ang pasi­sibatin ngayong araw sa 93rd season seniors basketball tournament sa The Arena, San Juan. 

Unang sultada ang Perpetual Help at College of Saint Benilde sa alas-dose ng tanghali kasunod ang Jose Rizal University laban sa Lyceum of the Philippines sa pangalawang laro, (2 p.m.). 

Magsasalpukan sa main game sa alas-kuwatro ang nais bumangon na Mapua kontra Letran. 

Nasa kukote ng Cardinals na makabawi mula sa pagkatalo sa opening day noong Sabado sa last year’s runner-up Arellano University. 

Ipinakita ng Cardinals na kahit wala na ang anim sa siyam na players na hinuhugutan ng puwersa ni coach Atoy Co ay luma­ban pa rin sila ng sabayan sa Chiefs. 

Graduate na sina CJ Isit, Joseph Eriobu, Exi Biteng, at Justin Serrano habang iniwanan naman nina rookie-MVP Allwell Oraeme at Darren Menina ang Mapua. 

Tanging sina Andoy Estrella, Laurenz Victoria at Almel Orquina ang mga beteranong naiwan sa Intramuros-based squad. 

Nagtulungan sina Estrella, Victoria at Orquina upang masabayan ng Cardinals ang Arellano, subalit kinapos sila sa huli nang simulan silang harurutin ng Chiefs. 

Nahawakan pa ng Mapua ang bandera sa halftime, 46-44 bago ina­gaw ng Arellano sa pagtatapos ng third canto, 71-72. 

Kumana si Victoria ng  23 points habang may tig 19 at siyam sina Estrella at Orquina sa kanilang talo sa Arellano. 

Mananatiling sasandalan ng Cadinals ang tatlong beterano upang makuha ang unang panalo ngayong season. 

Unahan naman sa unang panalo ang Bla­zers, Altas, Heavy Bom­bers at Pirates upang su­malo sa top spot kasama ang defending champion San Beda at Chiefs. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments