NCAA: JRU kumapit sa 3rd spot

0
43


Pinik-ap ni TeyTey Teodoro ng Jose Rizal U ang bola na dumulas kay Rey Nambatac ng Letran sa aksiyon kahapon sa 93rd NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan. Panalo ang JRU 77-68. (Jay Jalbuna)

Tumibay ang kapit ng Jose Rizal University sa third spot matapos pa­sabugin ang Letran, 77-68 kahapon sa 93rd NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Hawak ng Heavy Bombers ang 7-4 karta, at pinalakas pa ang tsansa sa final four, bahagya rin silang lumapit sa defending champion San Beda College na nasa second spot tangan ang 10-1 card.

Matapos ang four-game winning streak, nalasap ng Knights ang tatlong sunod na talo kaya nalaglag sila sa fifth place bitbit ang 5-6 record, nasolo ng San Sebastian ang fourth na may 5-5 baraha.

Kumayod sina Ervin Grospe at Jed Mendoza sa third quarter para sa Heavy Bombers, nakaipon sila ng malaking bentahe matapos ang dikitang laban sa first half.

Pumalag ng bahagya ang Letran sa fourth matapos tap­yasin ang hinahabol sa walo, 66-58 may apat na minuto na lang sa orasan subalit sumagot agad ang Kalentong-based squad upang makuha ang importanteng panalo.

Umiskor si Abdul Razak Abdul Wahab at pagkatapos ay binaon ni Mendoza ang panelyong tres para hawakan ng Heavy Bombers ang 71-58 may 2:39 minuto na lang sa payoff period.
“The character of the team co­ming off a heartbreaking loss in a game which we should have won, yun yung key,” saad ni head coach Vergel Meneses.

Nakabawi ang JRU mula sa 115-109 double overtime loss kontra Arellano.

“Last game we gave up more than 100 points so that was really our focus today, our defense. Our defense is our best offense,” ani former PBA MVP, Meneses.

Tumikada sina Grospe at Teytey Teodoro ng tig-15 points para sa Heavy Bombers habang may 11 mar­kers, pitong rebounds at apat na assists ang binakas ni Mendoza.

Namuno sa opensa para sa Letran si JP Calvo na may 21 pts, kumana si Rey Nambatac ng 14 puntos habang sina Bong Quinto at Jerrick Balanza ay nag-ambag ng tig 12 at 11 pts. ayon sa pagkakasunod.

Mga iskor:

JRU 77 – Grospe 15, Teodoro 15, Mendoza 11, Dela Virgen 10, Lasquety 9, Poutouochi 7, Abdulrazak 6, Sawat 4, Bordon 0, David 0.

Letran 68 – Calvo 21, Nambatac 14, Quinto 12, Balanza 11, Mandreza 6, De Villa 2, Vacaro 2, Balagasay 0, Bernabe 0, Caralipio 0, Gedaria 0, Pamulaklakin 0, Pascual 0, Taladua 0.

Quarterscores: 12-12, 36-27, 58-45, 77-68.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments