NCAA: JRU isinalba ng rookie; San Beda dumikit sa Lyceum

0
33


Bawal dumaan — Hinarangan ni Levi dela Cruz ng Arellano U Chiefs si Robert Bolick ng San Beda Red Lions­ sa aksiyong­ ito kahapon sa NCAA Season 93 men’s basketball sa Filoil Arena sa San Juan. Wagi ang San Beda, 95-70. (Patrick Adalin)

Pumihit ng kakapitan ang Jose Rizal University dahil sa matamlay na opensa­ ni Teytey Teodoro.

Sinandalan ng Heavy Bombers si rookie transferee Aaron Bordon upang paluhurin ang kulang sa armas na Mapua Cardinals, 68-59, kahapon sa 93rd NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Umiskor naman ang San Beda ng 95-70 win kontra Arellano U at tumapos sa likod ng first round sweeper Lyceum.

Kumana si 23-year-old Bordon ng career-high 23 points upang tulungan ang Kalentong-based squad Jose Rizal na sikwatin ang pang-apat na sunod na panalo­ at tumambay sa solo third ng team standings kasama ang 6-3 card.

May 13.9 pts. per game si Teodoro pero nakapagtala lang ito ng pitong puntos, mabuti at pumutok ang opensa ni Cavite State University recruit, Bordon.

“He has the potential but he just need to be pushed,” patungkol ni Jose Rizal coach Vergel Meneses kay Bordon. Kahit nanalo, hindi pa rin kuntento si former PBA MVP Meneses sa ipinakitang laro ng kanyang mga players.

“A win is a win, but the way we won, I’m not happy about it. Our turnovers helped them to get back, they converted on our turnovers. Good thing we made our shots in the end,” ani Meneses.

Hinawakan ng JRU ang 19-point lead sa kalagitnaan ng payoff period subalit naibaba ito ng Cardinals sa pito sa huling dalawang­ minuto ng laro.

Mabuti na lang at may reserba pang lakas ang Heavy Bombers kaya sa kanila pa rin ang huling halakhak.

Tumikada si Jed Mendoza ng 12 markers habang tig-11 ang inambag nina Ervin Grospe at Mark dela Virgen para sa JRU.

May 1-8 karta ang Cardinals, ramdam nila ang pagkawala ng kanilang pambatong si Andoy Estrella.

Mga iskor:

Jose Rizal 68 – Bordon 17, Mendoza 12, Grospe 11, Dela Virgen 11, Teodoro 7, Abdul Razak 5, Poutouochi 3, Mate 2, Sawat 0, David 0

Mapua 59 – Bunag 15, Victoria 12, Gabo 8, Aquirre 8, Pelayo 6, Nieles 4, Raflores 4, Jimenez 2

Quarterscores: 19-16, 38-34; 49-42; 68-59. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments