NBA: Steph Curry, di apektado ng haters

0
117


Ngayong playoffs, una sa Warriors si Steph Curry (kaliwa) sa scoring average na 28.6 points, bukod sa 50-40-90 na field goals, 3-point FGs at free throws na shooting splits, mga numerong masmataas pa kaysa sa kanyang itinala noong regular season. Kyle Terada, USA Today Sports/Reuters

Tila hindi pa sapat ang dalawang MVP trophies at isang kampeonato para tumigil ang pambabatikos kay Steph Curry.

Kung hindi pinupulaan ang naging performance niya noon kontra Cleveland Cavaliers sa 2016 NBA finals, meron namang naghahanap ng butas sa kanyang laro ngayong taon at nagsasabing si Kevin Durant na umano ang bagong lider ng Golden State Warriors.

Para kay Curry, hindi na niya siniseryoso ang ganitong pamumuna. “Focus lang,” tulad ng pangkaraniwang sagot ng mga Pilipinong manlalaro.

“I’ve been playing pretty solid all year,” sabi ni Curry, sa kabila ng maaanghang na tirada sa kanya, sa panayam niya kay Chris Haynes na lumabas sa ESPN.com noong Lunes.

“Whether people notice it or not, want to talk about it or not, or praise it or not, it doesn’t really matter. Now in the bright lights is when you got to continue to do it, and that’s what I’m trying to do. Hopefully for the next three weeks I can sustain it.”

Ngayong playoffs, una sa Warriors si Curry sa scoring average na 28.6 points, bukod sa 50-40-90 na field goals, 3-point FGs at free throws na shooting splits, mga numerong masmataas pa kaysa sa kanyang itinala noong regular season.

Pero hindi pa rin mabura sa isip ng mga kritiko ang virtual no-show niya noong nakaraang finals kung saan lumamig ang kanyang shooting at mas marami pa ang naitala niyang turnovers (30) kaysa assists (26).

Isang turnover ni Curry na nagsilbing malaking dagok sa Warriors ay ang behind-the-back pass niya na para sana kay Klay Thompson. Dahil sa miscalculation at miscommunication, hindi naabutan ni Thompson ang pasa at tumalbog ang bola pa-out of bounds, isang pagkakamaling kritikal lalo na’t dikitan ang dalawang teams sa 4th quarter.

Labindalawang buwan na ang nakalilipas, pero nasa isip pa rin ni Curry ang error.

“I know it wasn’t a good pass,” ayon kay Curry. “In thinking about that game, it’s funny because I know the concept of making the right play, making a simple play, understanding that there are deciding moments in games and the difference between winning a championship or not could be one of those plays.”

Isa pang eksena na hindi makalilimutan ni Curry ay ang game winner ni Kyrie Irving, isang play na ayon kay Curry todo na ang effort na kanyang ibinigay.

“I was right there. Tried not to foul. I stayed in front and contested,” mungkahi ni Curry. “He just made an amazing shot. You have to give him credit. There’s nothing I’d do differently on that play.”

Ang kagandahan kay Curry ay ang pagiging relaxed ng kanyang disposisyon. Maaaring nakatatak sa kanyang isipin ang mga pagkakamali niya, pero hindi niya hinahayaang multuhin siya ng mga ito; bagkus, ginagamit niya itong motivation.

At least itong regular season at unang tatlong rounds ng playoffs, ito ang ipinakita ni Curry. Kung maipagpapatuloy niya ito kontra sa Cavaliers, abangan ang susunod na kabanata. — Stats courtesy of Basketball-Reference.com

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments