NBA: LEBRON TAO DIN –

0
73


Si LeBron James sa laro ng Cleveland kontra Boston sa Game 3 ng East finals. (AFP)

INDEPENDENCE, Ohio (AP) – Low profile si LeBron James, hindi nagpakita.

Tulad ng ginawa niya noong Game 3.

Hindi humarap sa media si James nitong Lunes, ilang oras matapos ang isa sa worst postseason games ng kanyang career – ang nakakakamot-ulong 11-point, six-turnover performance sa 111-108 loss ng Cleveland sa Boston Celtics.

Maraming ispekulasyon agad ang naglabasan: Injured ba siya? May ipinaparating bang mensahe sa teammates?

“It was a weird game,” salo ni Cavaliers coach Tyronn Lue. “A weird-feeling game.”

At kakaiba ang laro ni James, umiskor ng 30 o higit pa sa walong sunod na playoff games at inari ang Celtics sa first two games ng series.

Linggo ng gabi, maraming mistakes si James para sa isang superstar na tulad niya. Nagmukha pa nga siyang isa sa reserves ng Cleveland. Nakatatlong tira lang at walang free throw attempt sa fourth.

Nakakapagtaas ng kilay na scoreless siya sa final 16 minutes. Matamlay ang three-time champion, four-time MVP, two-time Olympic gold medalist. Tao din pala si LeBron, may off-night.

Inako ni James ang res­ponsibilidad pagkatapos: “I didn’t have it.”

“He’s got to be aggressive, get downhill, play like he’s been playing, play confident,” lahad ni Cavs forward JR Smith. “He knows that. We know that. Just expect him to be better in Game 4.”

Balik ang serye Martes ng gabi sa Quicken Loans Arena bago buma­lik ng Boston sa Huwebes para sa Game 5 na nagmukhang hindi na kakailanganin hanggang bumalikwas ang Celtics mula 21 down at nanalo sa 3-pointer ni Avery Bradley na tumalbog-talbog muna sa rim bago pumasok 0.01 seconds na lang.

Habang kausap ni Lue ang ilang reporters at nagsu-shooting ang ilang Cavs pagkatapos ng praktis, wala ang No. 23 sa floor. Hindi daw sinisisi si James.

“No blame. We’re all to blame,” paliwanag ni Lue. “We lost, it happens. For a guy who played great for five straight months, he’s got to have a bad game sooner or later. He’s human.”



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments