NBA: LeBron, Draymond tuloy ang sabong

0
92


Tuloy ang pakikipagbalitaktakan ni LeBron James laban kay Draymond Green na binweltahan niya sa “Road Trippin’” podcast na host nina Cleveland Cavaliers teammates Richard Jefferson at Channing Frye kasama si sideline repor­ter Allie Clifton.

Sa episode kahapon (Manila time), tinalakay ng Cavs trio ang haba nang sinabi ni Green at ang shirt nito sa Gol­den State Warriors’ championship parade and  rally sa Oakland, California noong Huwebes.

Nagsuot si Green ng T-shirt na may nakasulat na ‘Quickie’ na ang ‘Q’ ay istilo ng mimic sa Cleveland’s Quicken Loans Arena at may patama sa mabilis na pagdemolis ng Warriors sa Cavaliers sa 71st NBA Finals na resbak sa James’ ‘Ultimate Warrior’ shirt sa championship parade ng Cavs noong isang taon.

Sinalag din ni James ang sinaad ng Warriors forward na ang Cavs ang nagpasimula sa trend na superteam. Bumawi si James sa pagtukoy sa ilang superteams bago sumama kina All-Stars Dwyane Wade at Chris Bosh sa Miami Heat may pitong taon na ang nakararaan.

“No, no,” tugon ni James sa usisa ni Clifton sa  giit ni Green. “In 2003, the Lakers combined Karl Malone, Gary Payton, Shaq and Kobe. In ‘96, when [Michael] Jordan was retired, the Rockets joined Charles Barkley, Hakeem Olajuwon and Clyde Drexler, all on the same team.

“I definitely didn’t start the superteam, if that’s what he is trying to say, but it’s just great that the day you’re celebrating your championship, my likeness and my name is in your head. I love that,” hirit niya, na dinagdag pa nasa isip pa rin niya si Green maski nanalo na ng NBA title.

Inayunan nina Frye at Jefferson ang punto ni James na magkaiba ang mga superteams na nabuo ng four-time MVP ay hindi mga nakatulong para sa Miami noong 2010 at sa Cleveland noong 2014 dahil mga hindi naman ito napalaban sa championship sa kabila na duma­ting ang isang major talent.

Sa kabilang dako, dinugtong ni James na may pagkakaparehas ang Rockets at Lakers teams sa kasalukuyang War­riors  na aniya’y mga nagkaroon ng championship-winning core na pinasukan pa ng top stars para sa title run.

“People forget, when you went to Miami, they had just lost in the first round. And you ad­ded Chris Bosh. I just remember when people talk about superteams and this and that and putting people together, it would have been like if you had joined the Boston Celtics after you had lost to them,” dada ni Jefferson.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments