NBA: ‘HOPEFULLY WE CAN KEEP IT GOING’

0
79


Umulan ng confetti sa entablado ng The Henry J. Kaizer Convention Center sa ginanap na victory parade and rally ng NBA champions Golden State Warriors, Biyernes (Manila time) sa Oakland, Ca-
lifornia. Tinalo ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa Game 5 noong Martes. (AFP)

OAKLAND, California (AFP) — Pinagdiwang ng Golden State Warriors ang latest NBA championship kahapon (Manila time) sa pag­kaway sa crowds mula sa bubong ng double-­decker buses sa victory parade sa mga kalsada ng downtown dito.

Ibinantayog ng mga nagbubunying players sa kalangitan at sa mga tao ang Larry O’Brien Trophy at naki-high five sa kanilang mga fans ­habang nagliliparan ang mga ­confetti.

Nagwakas ang parada sa pampang ng Lake Merritt kung saan nagtalum­pati si coach Steve Kerr at ang mga players sa mga miron sa 80-minute rally.

“We need to enjoy this to the fullest,” deklaras­yon ni star guard Stephen Curry. “This whole day, this whole atmosphere, is unbelievable.”

Binoldyak ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa five games upang mahagip ang titulo, tumapos sa makinang na 15-1 post-season run. Second parade na ito sa three seasons para sa Warriors.

“There is nobody ­having more fun than me,” bulalas naman ni Warriors owner Joe Lacob. “This is the best job in the world.”

Buena-mano ang championship sa panig ni forward Kevin Durant sa 10-year career niya, at kalakip ang NBA ­finals MVP.

Nabatikos ng marami si Durant sa kanyang desisyon na layasan ang Oklahoma City Thunder at sumama sa Warriors, pero ang pagkapanalo niya ng korona ang nagpabuhay sa NBA star.

“It means the world for me to win the champion­ship,” hayag ni Durant sa crowds. “Hopefully we can keep it going. Thank you for the support.

“It has been a ­crazy year for me. Going through this year was so much fun. You come into work each day and it is more like fun.”

Gumugol ang ­Golden State ng  40 taon sa pagitan ng kanilang trono ­tapos na maghari rin noong 1975. Tatlo sa limang korona nito’y nasakote sa paglipat ng ­prangkisa sa Bay Area mula sa ­Philadelphia.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments