NBA: Griffin, Paul maghihiwalay? –

0
62


Ang samahan nina Blake Griffin at Chris Paul sa Los Angeles Clippers ay masusubok sa pagpasok sa NBA free agency. Bagay na aantabayanan ng mga fans kung pipiliin ba nilang manatili sa koponan o makipagnegosas­yon sa ibang team. (AFP file)

Napipinto na ang pagwawakas ng Lob City era para sa Los Angeles Clippers makaraang pagpasyahan nina Chris Paul at Blake Griffin ang free agency, pinabatid sa kanilang team ang kanilang mga pagsibat mula sa final year ng kanilang mga kontrata.

Isang tao na may direktang kabatiran sa plano ni Griffin ang nagkumpirma kahapon nito (Manila time) na tumanggi lang magpapangalan lalo’t malamang na isapubliko na rin naman ang nais ni Griffin sa lalong madaling panahon.

Kasama sa kumpirmadong ulat ang pagpunta ni Paul, 32, sa unres­tricted free agent na rin sa Hulyo 1.

Inaasahan na ang nabanggit na kilos ng dalawa sa positibong pagkuha ng mga kasunduan sa ibang NBA teams kundi man ang paniguradong re-sign sa Clippers nang mas marami pang mga taon lalo’t malakas naman silang pares at may pi­nansyal pang bentahe sa ilalim ng kasalukuyang CBA.

May anim na sunod na matagumpay ang Clippers sa regular seasons, lima kay Paul — wagi ng 60 percent sa kanilang games bawat taon, bagay na ang tangi pang nakagawa ay ang San Antonio sa na­sabing span — pero hindi pa nga lang makatagpo ng tagumpay sa playoffs. Hindi pa nakakaabot ang Clippers ng second round sa six seasons na iyon at sawimpalad sa first round pa lang sa nakalipas na dalawang taon.

At ngayon nakatakdang maging free agents sina Griffin, Paul at ma­ging si J.J. Redick, bukod pa sa espekulasyong mati-trade si DeAndre Jordan, nagbabanta rin ang bagong tingin sa Clippers sa 72nd NBA 2017-2018 season.

Ginugol ni Griffin ang entire career sa Clippers, may average na 21.5 points at 9.4 rebounds at may 52 percent shooting sa seven seasons. Nakatakda siyang tumanggap ng $21.4 million next season.

Si Paul, sa kabilang dako’y eligible pa sa five-year deal sa estimadong halagang $205M mula sa Clippers. Pwedeng mag-alok ang iba pang teams gaya ng San Antonio Spurs ng four-year pact worth over $152M.

Hahanayan nina Griffin at Paul sa free-agent class sina Utah’s Gordon Hayward, Toronto’s Kyle Lowry at Heat guard Dion Waiters at iba pang fellow headliners.

Teknikal na free agents din sina Golden State stars Stephen Curry at Kevin Durant pero nagpahayag na mga mananatili pa rin sila sa champion Warriors. Pati si Dwyane Wade na pinaaalam na sa Chicago Bulls na g­agamitin niya ang kanyang $23.8 million option para sa next season.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments