NBA: GAME 4 SA CAVS

0
63


CLEVELAND, Ohio (AFP) — Binanda nina Kyrie Irving at LeBron James ang isa sa pinakama­garang pasiklaban sa scoring sa 71st NBA Finals kahapon (Manila time), kinarga ng una ang Cleveland sa pagpulbos sa Golden State 137-116 at wasakin ang tudla ng Warriors na perfect playoff run.

Nagningning si Irving ng 40 points samantalang humarabas si James ng 31 points, 10 rebounds at 11 assists at nagkontribyut si Kevin Love ng 23 points para sa defending champion Cavaliers na nilagare ang league-record post-season win streak na 15 games ng Warriors sa Quicken Loans Arena.

Pero abante pa rin ang Warriors sa best-of-7 series 3-1 at pwedeng mahablot pa rin ang korona kung magwagi sa game 5 sa balwarte sa Oakland, California sa Martes (oras din sa Maynila).

“It was do-or-die. The job is still far from over,” giit ni Irving. “We’re still in a hole. But this is a good start.”

Wala pang team ang nakakaeskapo matapos mahulog sa 3-0 deficit at palarin pa sa NBA playoff series pero nagawa ng Cavs ang greatest NBA Finals comeback last year nang madaig pa ang Warriors mula sa 3-1 pagkaiwan.

Binuksan ang game sa highest-scoring quarter at half sa NBA Finals history, naging una ang Cavaliers na team na g­aling sa 3-0 at makahirit ng fifth game sapul noong 1996 na Seattle SuperSonics.

“We have championship DNA as well,” bulalas ni James. “We showed that. We were in attack mode.”

Ang tanging finals team na naiwan ng 3-0 pero nakahatak ng se­venth game noong 1951 ay ang New York Knicks.

Nagbuslo ang Cavs ng 24-of-45 sa 3-point range, na record sa Finals hoops sa beyond the arc at kapos lang ng isa para maparehasan ang league’s all-time record.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments