NBA: Cavs may problema? –

0
62


Bunga ng biglaang pagre-resign ng gene­ral manager ng Cleveland Cavaliers na si David Griffin, na lubhang ikinagulat ng superstar player nitong si LeBron James, marami ang espekulasyon­ sa mga susunod na mangyayari sa koponan, lalo na pagda­ting ng free agency period.­ (AFP)

Tatlong araw bago mag-draft at wala nang dalawang linggo para magbukas ang NBA free agency, magiging abala ang Cleveland Cavaliers sa offseason nang walang seasoned executive makalipas payagang umalis kahapon (Manila time) si David Griffin kahit na­ging matagumpay ang tatlong taong pagi­ging ge­neral manager.

Agad pinasalamatan nang nasa huling taon ng kanyang kontratang si LeBron James si Griffin sa pama­magitan ng tweet na tila may kasamang patama sa Cavs ownership na nagpaespekulasyon nang baka paglayas na rin niya sa prangkisa.

“If no one apprecia­ted you Griff I did, and hopefully all the people of Cleveland! Thanks for what u did for the team for 3 yrs! We got us 1 (trophy),” mensahe ni James sa kanyang Twitter account.

Gulat na gulat sa na­ging desisyon ni Cleveland team owner Dan Gilbert una sa lahat si Cavs superstar James.

Naganap ang shock exit ni Griffin saktong isang taon makaraan ang remarkable title run last season ng Cavs, at nagpiprepara pa ang team sa busy offseason para sa roster issues na naging makulimlim dahil sa five-game loss sa nag-champion ngayong taon na Gol­den State Warriors.

Hindi kinonsulta ang 32-year-old na si James ni Gilbert sa desisyon sa pag-alis ni Griffin, ayon kay Brian Windhorst ng ESPN.

Gulat din ang kampo ni James sa naging pagkilos ng management, ayon sa kasamahan ni Windhorst na si Ryen Rusillo at sobrang dismayado’t pag-aalala ni James sa implikas­yon din para sa kinabukasan ng Cavs sabi naman ni Hiward Beck ng Bleache­r Report.

Nagsalita ang four-time NBA MVP ng pagsuporta kay Griffin at sa extension na nito noon pang Abril dahil sa mga binigay na tagumpay sa team mula nang mag-GM noong Mayo 2014.

Pero iba ang naging pasya ni Gilbert at team management, nagpalakas sa espekulasyon ng isa pang James exit mula Cleveland pagpasok ng free agency sa 2018.

Bukod dito, may ilang ulat na mas gusto umano ng misis ni James na manirahan sa Los Angeles, California kung saan mayroon din silang bahay doon.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments