Nanay ni Pia, nagsalita na!

0
94


Kung “no comment” ang ma­nager ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach tungkol sa issue sa life story ng beauty queen na pinalabas sa Maalaala Mo Kaya, nagsalita naman ang ina mismo ni Pia na si Ms. Cheryl Alonzo.

Pinatunayan ng ina ni Pia na legal na kasal ito sa ama ni Pia na si Uwe Wurtzbach. Naglabas ng mga ebidensya si Cheryl via Instagram bilang patunay na naging legal wife siya.

“Got married to their dad on November 11, 1983 and after 6 years we had Pia.

“We worked hard for our money so no one should question about what had and wherever it went.

“I waited patiently to be a mom though because of that.”

Bagama’t deleted na ang mga photos na ito sa Instagram ni Che­ryl, nai-post naman ito sa Facebook page ng The Philippine Pageantry noong nakaraang June 11.

Kinukuwestiyon kasi ng ibang pamilya ni Uwe ang kuwento ni Pia noong ipalabas ito sa MMK.

Ito ay si Robie Asingua na naging ka-live inng ama ni Pia sa Palawan bago ito pumanaw noong 2014.

Tinawag ngang “big liar” ni Robie si Pia dahil sa kinuwento nitong life story sa MMK. Sa isang eksena sa MMK, humingi diumano ng pera si Uwe kay Pia noong maging runner-up ito sa Bb. Pilipinas noong 2013.

Marami ring sama ng loob si Pia sa kanyang ama dahil sa pag-iwan sa kanila dahil sa pagsama nito sa ibang babae.

Nalaman na lang daw ni Pia na sumakabilang-buhay na ang kanyang ama noong 2014, isang bagay na pinagsisihan niya dahil hindi man lang daw sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita at magkapatawaran.

Pero para sa ina ni Pia na kasal sa bago nitong mister na si Nigel Tyndall, minahal daw nito ng sobra si Uwe kahit na naghiwalay na sila.

“I loved him so much you see… He was my life. I cried when he passed away.

“My present husband Nigel was sad for me too. He is very supportive to me and my kids. He is also a God’s gift to me. I am so blessed.” 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments