Nakawan sa ‘pahalik’ sa Quiapo: 2 babae huli

20



Huli ang dalawang babae dahil sa pagnanakaw ng cellphone at pitaka ng isang deboto sa simbahan ng Quiapo nitong Biyernes. 

Lumalabas sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) na dinukot nina Roseta Macato at Marilyn Oyong ang pitaka at cellphone ni Cristy Cortez habang nakapila ito sa pahalik sa Itim na Nazareno.

Bahagyang nagkagulo sa pila ng pahalik nang mapansin ni Cortez na dinudukutan siya, ani Supt. Arnold Thomas Ibay, hepe ng MPD Station 3.

Nabawi sa mga suspek ang mga gamit ni Cortez matapos silang habulin nang mga miyembro ng Citizen Crime Watch.

Muli namang nagpaalala ang pulisya sa mga debotong magtutungo sa Quiapo na ingatan ang kanilang mga gamit at huwag magsuot ng mga mamahaling alahas upang makaiwas sa mga magnanakaw.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments