Nagpasalamat nang malamang hindi totoo ang kasalang John Lloyd at Ellen Adarna!

14


NAHISMASAN ang box-office director na si Cathy Garcia nu’ng makarating sa kanya ang balitang hindi true na nagpakasal na ang favorite leading man niya na si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna.

When asked to give her reaction sa balitang kasalan nina Lloydie at Ellen, sunud-sunod na tanong ang isinagot niya sa amin.

Hindi pala siya aware sa balitang ikinasal na diumano ang magkarelasyon.

Pero pinabulaanan naman ni Beauty Gonzales ng balitang ikinasal na ang friends niya na sina Lloydie at Ellen.

“Ah, ‘yun naman pala. Hahaha. Nasa Timbuktu yata ako,” kasunod ang smiley emoticons sa ipinadalang text message sa amin ni Direk Cathy.

Tinanong ulit namin siya kung papayag ba siyang maging ninang nina Lloydie at Ellen either sa kasal or magiging baby nila.

“Kasal, hindi. Baby, pwede. Hehe.”

Samantala, nakikipag-meeting pa lang daw si Direk Cathy para sa Daniel Padilla and Kathyrn Bernardo project at kung ano ang next movie na gagawin niya with them.

At the moment, she’s working on a new project now. Pero hindi pa raw pwedeng sabihin kung ano ‘yung project.

—oooOOOooo—

From one box-office director to another, happy si Direk Joyce Bernal sa nangyari sa kanyang career nu’ng 2017. And for sure, blockbuster din ang kanyang career bilang director at prodyuser ngayong 2018.

Maganda ang naging salubong ng 2018 kay Direk Joyce dahil sa super blockbuster movie nila ni Vice Ganda na “The Revenger Squad” sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Until now ay pinipilahan sa mga sinehan ang “The Revenger Squad,” huh. Super kaaliw naman kasi ang movie. Kaya tamang-tama talaga na angn movie rin nina Direk Joyce, Vice, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach ang napiling for Kid’s Choice award ng MMFF.

Unexpected ang award na ‘to for Direk Joyce but just the same inimbrace na lang niya ng mahigpit ang naturang award.

Sa ngayon, tinatapos ni Direk Joyce ang movie niya na “Miss Granny” na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo. Kasama rind aw sa movie sina James Reid at Pepe Herrera. Pero wala raw kapareha sa movie si Sarah.

Bukod dito, may ipro-produce raw sila na movie under Spring Films na production nila ni Piolo Pascual with partnership kay Robin Padilla tungkol sa Marawi.

Plus another one about healing na si Fr. Suarez na taga-Lipa ang nag-offer ng kwento sa kanila. Makikipag-co-produce naman sa Spring Films ang mga kaibigan ni Fr. Suarez

“Hindi pa po namin alam sino ang director para sa ‘healing’ project naming, Pero para siyang ‘Himala’ ni Ate Guy na movie, parang ganoon. Lahat ‘yan for 2018. Tapos meron kaming tinatapos na movie for Spring Films, ‘yung kay Bela (Padilla) at Carlo Aquino. Si Aileen Villamor ang director at ang title niya ay ‘Meet Me at St. Gallen. It’s a place in Switzerland,” lahad pa ni Direk Joyce.

On the Marawi movie, dalawa raw ang pinagpipilian nilang gawin. Una, walang role sina Piolo at Robin sa movie kundi producers lang. Pero baka lumabas din sila sa movie pro ‘di bida. At ‘yung isa marahil na option nila, bida sina Robin at Piolo sa movie.

As of this writing, wala pa’ng final decision kung magbibida o hindi sina Robin at Piolo sa Marawi movie. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments