Nadine, nairita sa bashers na nagli-link kay James sa kanyang BFF

0
71


IRITANG-IRITA si Nadine Lustre sa mga netizen na nagli-link sa kanyang bestfriend sa boyfriend na si James Reid.

Hindi niya pinangalanan ang best friend but it was glaringly obvious that she was greatly affected.

“Judge me all you want, but talk shxt about my friends.. Ill shut you all down!” she hissed like a wounded snake.

Ang mga naninira raw ay hindi naman mga fans. These people are purportedly spreading lies so that her fans would be upset and greatly affected.

“They’re not even fans. They’re just there to hate and make issues. Disheartening the real fans,” Nadine explained.

Nagtanong ang mga netizens kung ano raw ba ang pinagmulan ng pagka-irita ni Nadine.

Ang sabi, it has got to do with James being linked to a girl named Mika who is reportedly Nadine’s lady friend.

May nag-share ng screen shoot nang picture ni James na may kayakap na girl na supposedly ay si Mika.

May nagtanong kung si Mika raw ba ang chick na Nadine is alluding to. Nadine answered yes.

At this juncture, Nadine said that there’s nothing wrong if James would embrace Mika. Likas raw talagang malambing ito.

But then, may mga sabi-sabing there is something that more than meets the eye in as far as James relationship with Mika is concerned.

Definitely, may ‘something’ raw sa pagitan ng dalawa.

Ganuned?

Let’s just wait and see.

‘Yun nah!

DATI’Y HINAHANGAAN, NGAYO’Y PINANDIDIRIHAN!

Hahahahahahahahaha! Ang show business talaga, napakalupit. Dati, and this was when she was most popular and on top of the heap, everybody would want to be on her side.

Pinagkakaguluhan talaga siya at lahat ay gustong mapabilang sa kanyang team of hair and make-up man at stylist.

This was before.

Ngayong medyo lie low na ang kanyang popularidad, nakatatawang (hayan, Bubonika, salitang ugat ang inuulit, tonta! Hahahahahaha!) she is being avoided like the plague.

Being avoided like the plague raw, o! Hahahahahahahaha!

Sa isang coffee table project, hindi ito matuloy-tuloy dahil pagdating sa kanya ay pinandidirihan siya ng mga hair and make-up man, stylist, at glam team. Hahahahahahahahaha!

How soon time flies. Dati’y nangagsisiksikan silang lahat mapasali lang sa kanyang glam team. But now, they want to avoid her like the plague.

Ang laki rin ng kanyang ipinagbago when it comes to her overall personality.

Dati’y mahiyain siya’t may pagka-conservative. Ngayon, halos iluwa na niya ang kanyang menudensya. Hahahahahahahahaha!

Influence kaya ito ng kanyang liberated boyfriend? Well, parang hindi nababagay sa kanyang angking personalidad na may pagka-conservative ang dating.

Kahit nga sa mga fans ay may pagkamaldita na siya.

Sinasagot niya ang mga fans sa kanyang Twitter at walang pakundangan kong gawin niya ito.

How people can change indeed!

‘Yun nah!

JOVIT BALDIVINO, HUMBLE AT HINDI SUMASAGOT SA KANYANG MGA DETRACTORS!

Pagkatapos nang sunud-sunod na banat sa kanya ng live-in mate na si Shara Chavez, nagsalita naman si Jovit Baldivino at nagsabing mag-isip-isip naman daw ang mga nangba-bash sa kanya bago siya husgahan.

In his verified Facebook page, Jovit explains his side.

“Kalmado lang kami lahat, family ko Relatives ko mga kaibigan ko, kasi ayaw namin na mas lalo pang lumaki ‘yan, at ayaw din namin magsalita ng masasakit na bagay sa mga taong mapanghusga,” he averred. “Basta andito pa rin ako nakatayo at paninindigan ko, namin, na wala kaming ginawang masama.”

Oo nga’t nagkakamali raw siyang madalas pero pilit niyang ibinabangon ang sarili.

“Oo minsan nagkamali ako, nagsisi, pero pinilit kong ibangon ang lahat ng bagay na nagkulang ako, kasi hindi ako masamang tao alam ng karamihan ‘yan.

“Pero kung naniniwala kayo sa bagay na yan, wala naman ako magagawa kasi hindi ko naman po hawak ang mga pag-iisip nyo.

“Kayo naman din po ang dahilan kung bakit ako nabubuhay at kung bakit ako andito sa kung ano man ako ngayon.

“At kayo rin ang nagsabi na wag kang magbabago sana laging nakatapak ang paa sa lupa, at wag masyado snobero sa fans at sa lumalapit para humingi ng tulong, kahit kelan hindi ko po nagawang magdamot sa mga bagay na ‘yan.

“Masaya ako sa ipinahiram na talento sa akin ni god, at masaya din ako na pinasasaya ko kayo bawat pagtatanghal ko sa entablado.”

BEA BINENE, MATAPANG KAHIT NAG-IISA!

Four or five years na raw na walang communication si Bea Binene sa kanyang biological dad.

Since Father’s Day, kumusta naman si Bea at ang kanyang dad?
“Hala, hindi ako prepared!” she asseverated. “Paano ko sasagutin?”

So far, matagal na raw silang hindi nagkakausap ng daddy niya.

“Matagal na po. Siguro mga four or five years na,” she said.

Ni wala raw hi or hello in that span of time. May feeling si Bea na nasa ibang bansa si daddy?

“Feeling ko, kung nasaan man siya noon, nandoon pa rin siya ngayon,” she intimated.

Wala bang effort from his side?

“Tanggap ko naman na po,” he asserted. “Naintindihan ko naman po ang sitwasyon.

“Oo, darating ang panahon like Father’s Day, mami-miss ko si Papa.

“May point na kapag may kakainin kang food, ‘Ay, favourite namin ‘yun ni Papa.’

“’Yung mga ganun, naiintindihan ko naman po ang situation.”

What if she would initiate the first move?

“Siguro… sometime soon. Anytime in the future,” she softly said. “Alam ko naman na proud siya sa akin. Feel ko lang.”

Any message for her dad?

“I just want him to take care of himself all the time.” Sa ead niyang 18, tumatayong siya na ang “padre de familia”.

“Naging kami na ni Mama ang nagtutulungan,” she proudly said.

***
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you, very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments