Nadine ‘doppleganger’ ni Sam Pinto

0
21


Hotness Overload ang deskripsiyon sa latest photo ni Nadine Lustre, na ginamit sa poster/tarpaulin o promo materials par­a sa Folded and Hung, kung saan ay sila­ ng dyowa niyang si James Reid ang endorsers ngayon.

Kaya nga sure raw na wala sila sa rampahan ng Bench.

Na pinanghihinayangan naman ng followers nila, dahil rarampa nga roon sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Maine Mendoza, ha!

Anyway, bukod sa pagiging gorgeous sa photo na ‘yon, nanibago rin ang fans ni Nadine, dahil bakit daw, parang biglang nag-iba ang itsura ng idolo nila.

Duda nila, nasobrahan sa retok­e sa photoshop, o sadyang binag­o ng make up ang itsura ni Nadine.

Bagama’t gandang-ganda sila kay Nadine, hindi nila nagustuhan na naging­ kahawig ito ni Sam Pinto.

Mula sa buhok, hanggang sa anggulo ng mukha, parang si Sam nga raw si Nadine sa photo na ‘yon.

Doppleganger nga raw ni Sam si Nadine sa looks na ‘yon.

Na hindi naman offensive ang pagka-disgusto ng fans ni Nadine, pero ayaw nila na parang nabura na ang mukha ng idolo nila na hinangaan nila noon pa man.

elayszxszx “Hawig ni Sam Pinto ditey.”

thetmiamor “Parang nasobrahan­ ­sa edit or hindi na kasi siya ‘yan.”

jessie_jay1234 “Edited masyado.”

jessie_jay1234 “Sam Pinto yata ito.”

babydolltinay “Yeah you looked like Sam Pinto. Ganda!! @nadine.”

Well, ke kahawig ni Sam si Nadine, para sa mga loyal fans ng dyowa ni James, pinakamaganda pa rin ang idolo nila.

fdl2155 “She doesn’t have to be voluptuous to be sexy. She exudes­ sexiness without she knowing it. Lakad pa lang at ang kanyang legs, wow as in wow! Effortlessly sexy.”

Sam ginagamit ang alindog sa negosyo

Speaking of Sam Pinto, dahil wala siyang pinagkakaabalahan, at hindi nga busy sa work, ang paglalantad ng alindog muna ang ginagawa niya.

Sa Instagram account niya, ang halos hubad na kaseksihan ni Sam ang maya’t maya ay makikita mo.

Well, business nga ang tawag dito. Kumbaga, ginagamit ni Sam ang katawan niya para ibenta ang produkto nila, ang sirena swimwear.

Well, sino pa nga ba ang mas may karapatan na magbenta mag-promote ng produkto nila kung di siya mismo.

Eh, sa kaseksihan ni Sam, sure ako na marami ang bumibili ng swimsuit dahil dream nila na magin­g kasing-sexy ni Sam, ‘di ba?

At siyempre, tangkilikin mo ang negosyo mo.

Paano mo mahihikayat ang mga mamimili kung hindi mo ipakikitang gustong-gusto mo ang produkto mo.

“Good morning! Happy that the sun is out today! @Isireneboutiqueresort ☉ @sirenaswimwearph,” sey ni Sam.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments