Muling pagpasok ni Angel sa LLS, trending

0
33


TRENDING ang pagpasok ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) sa La Luna Sangre nitong Miyerkoles ng gabi dahil inabangan talaga ng 35.1% viewers ng programa kung sino ang bagong karakter na magpapabago sa takbo ng kuwento dahil nga naghahasik ng lagim si Sandrino (Richard Gutierrez) at mga kampon niya.

Samo’tsaring komento ang mga nabasa namin sa social media sa pagbabalik ni Angel sa LLS, nabuhay ba si Lia para tulungan ang anak niyang si Miyo/Malia (Kathryn Bernardo) na hindi pa nagkakaroon ng super powers para iligpit si Sandrino?

May nagsabing imposibleng mangyari dahil namatay na si Lia bilang Lobo sa pilot week ng La Luna Sangre kasama si Matteo (John Lloyd Cruz). At dahil fantaserye ang LLS kaya anything can happen sabi naman ng creative consultant ng Star Creatives na si Mr. Henry Quitain. Kaya sa solo presscon ni Angel kahapon ay ito kaagad ang tinanong sa kanya kung nagbalik ba siya bilang si Lia at iniba lang ang pangalan niya o sadyang ibang tao siya na kamukha lang ng ina ni Miyo/Malia?

Ang creative manager na si Henry muna ang sumagot, ”from the start of ‘La Luna Sangre’, alam na namin na darating ang karakter ni Jacintha Magsaysay. Kung matatandaan ninyo, si direk Cathy (Garcia-Molina) noong presscon sinabi niyang, ‘malay n’yo may magbabalik, may mabubuhay na namatay’ or something like that. Nakalatag po kami even the promo alam nila kung kailan babalik si Jacintha, kaya lang nanggulat lang po kami at walang pasabi-sabi, hayan na si Ms. Angel Locsin.”

At ang reaksiyon ni Angel sa sinabing support o guest appearance lang siya ngayong sa LLS dahil ang KathNiel naman talaga ang bida.

“Siguro sa ibang tao magtataka talaga sila kung bakit bumalik si Angel. I’m very proud na nasimulan ko ‘yung ‘Lobo’, ‘Imortal’ at ang pilot ng ‘La Luna’ (Sangre) kaya malapit po sa akin ang proyektong ito at medyo kinulit din naman nila ako ng bongga na kailangan sa story at ako naman ay I’m very happy and any opportunity na magkaroon ako na magbigay suporta sa bagong artista para mapaganda ‘yung show, okay naman ako roon, wala naman pong problema,” pahayag ng aktres.

Pero klinaro ito ng creative manager na si Henry, ”hindi po guest ng show, she is a main character of the show sa katulad po ng sinabi ko kanina na ginawa ang kuwento na kasama siya (Angel) talaga, kasama ang pagbabalik niya at kasama ang pagdating niya sa show. At saka ang ‘La Luna’ po ay kuwento nila (buong cast). So, I won’t consider her as a support for KathNiel though this is a KathNiel teleserye at hindi naman po natin tatanggalin iyon sa kanila dahil sila naman talaga ‘to. Talaga lang Angel is part of the show kahit sina Richard, Tony Labrusca, Joross Gamboa, lahat po sila, kuwento nila itong ‘La Luna Sangre’.”

Magkikita ba sina Jacintha Magsaysay at Miyo/Malia? ”Siyempre kuwento naman po nila ‘yan at hindi naman maiiwasan na hindi sila magkita. Siguradong iyan ang pinakaaabangang eksena sa ‘La Luna Sangre’,” pahayag ulit ni Mr. Henry.

Reincarnation ba ni Lia si Jacintha? ”Actually kaya po ako nae-excite kasi gusto ko ring malaman kung ano ba talaga ang kapupuntahan niyong Jacintha Magsaysay na karakter ko. Kasi sabi nga nila, this is a fantaserye anything can happen kaya puwedeng maraming mabuhay, puwedeng maraming maging anggulo ng kuwento kaya marami po talagang aabangan ang audience. Isa talaga ito sa mga palaisipan, sino ba talaga si Jacintha Magsaysay?”

As of now ang papel ni Jacintha Magsaysay ay political strategist ni Gilbert Imperial/Sandrino (Richard). Pero may mga nagsasabing kakambal siya ni Lia pagkatapos ng Lobo or posibleng siya talaga si Lia.

Ano ang pagkakaiba nina Lia at Jacintha? ”Si Jacintha ay isang taong nababalot ng misteryo kasi galing siya sa ibang bansa na naipanalo niya ‘yung tumakbong Presidente na may scandal dati kaya siya kinontak ni Sandrino/Gilbert kasi gusto niyang manalo nga bilang Presidente ng Pilipinas,” say ni Angel.

At si Lia, ”nagsimula bilang simple with a lot of powers while Jacintha is human and sophisticated, mayaman kaya niyang makipag-tapatan. She speaks her mind,” paliwanag naman ni Henry.

Angel at Arce,
walang label,
pero nagsasabihan
ng ‘I love you’

Samantala, nakatsikahan namin si Angel pagkatapos ng Q and A at inamin niyang masaya siya sa pagbabalik niya sa telebisyon dahil matagal na rin siyang walang programa.

“Masaya kasi karamihan naman ay natutuwa at ‘yung iba hindi wala namang violent reactions at kung may concerned sila, walang direkta sa akin. Siyempre sa bida concerned sila, tulungan tayo rito, wala namang ipapasok ang management na hindi makatutulong sa show at makikinabang din pati ang KathNiel. At saka very nice sa akin ang KathNiel, super pasalamat nga sa akin sila noong pilot kaya natuwa ako sa kanila kasi marunong silang magpasalamat hindi ko inaasahang magte-thank you sila sa akin kaya natuwa ako alam nila ‘yung mga taong tumutulong sa show nila,” kuwento ni Angel.

Natanong ang tungkol sa health niya kung okay na dahil ito nga ang naging dahilan kaya hindi siya natuloy sa Darna movie project dahil binawalan siya ng doktor.

“Okay naman ngayon, hindi naman siya umaarte, nakapagpahinga ako so okay naman,” kaswal na sagot ng aktres.

Tinanong namin kung kumusta ang relasyon nila ni Neil Arce at kung sila na?

“Okay naman kami, tina-try namin ‘yung parang kami pero hindi, magulo ba? Ako rin naguluhan, eh,” natawang sabi ni Angel.

“Ano ba dapat, hindi ko rin ma-explain, pero parang ganoon. ‘Pag lumalabas kami hindi naman kami nagtatago, so parang ganoon, siguro label na lang ang wala kasi hindi naman niya ako tinanong, hindi rin naman ako sumasagot ng oo. Hindi rin kami nagdi-date ng iba, he’s very nice, napakabait at matalino,” esplika ng dalaga.

Diretsong tanong naming kung nagsasabihan sila ng ‘I Love You.’

“May nag-a- I love you, maraming beses na nag-I love you,” say nito.

Eh, si Angel, nagsabi rin ng I love you kay Neil? ”Oo, pero ‘yun nga walang label. Kung mayroong makapag-explain, tawagan n’yo ako,”natawang sabi ulit ng dalaga.

Hirit namin, ‘eh di kayo na nga,’ sangga niya, ”Ang alam ko kasi kapag kami na, may oo at anniversary date, eh, wala naman. Baka sabihin naman asyumera ako.”

Paliwanag ng dalaga na sobrang ingat lang sila ni Neil sa relasyon nila dahil kapag nag-away sila ay wala silang ibang makakausap unlike before na kapag nagka-problema sa relasyon ay sila ang nag-uusap dahil nga eight years silang magkaibigan. Inamin ding inspirado ang aktres dahil suportado siya ng binata at magaling mag-advice sa kanya.

At dahil may taping si Angel ng LLS na umere rin kagabi pagkatapos ng presscon ay kaagad na siyang ipinagpaalam ng staff ng Star Creatives.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments