Mula sa bakuran, kumita ang mga tinamnan na luya

0
79


Isa nang household name ang Mira’s Turmeric Product bilang isang organikong tsaa

 

 

 

LUNGSOD NG LIPA–Ayoko na sa baboy, ani Almira Silva, 43, na may babuyan sa isang subdibisyon. Rereklamuhan ako rito, dagdag nya.

Kay ang ginang ay nagsumikap na matuto ng mga organikong pamamaraan ng pagtatanim. Salamat aniya sa mga seminar ng Kagawaran ng Agrikultura. Salamat din sa Internet kasi may mga nadiskubreng mga teknolohiya si Silva sa organic farming.

 

Yumabong na ang negosyo ni Almira Silva na tsaa na may halong luya. Mabibili sa ilang mga pangunahing supermarket sa siyudad ang Mira’s Turmeric Product (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

At sa isang bakanteng lote nya sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. San Salvador sinimulan ang pagtatanim ng luya na siyang naging sangkap sa isang malagong negosyo.

Nakapagtanim si Silva ng 37 kilong luya sa bakuran nya, na binili niya sa halagang P1,000. Matapos ang sampung buwan, akalain ba ninyong naging 1.4 tonelada ang una’y 37 kilo lang ng luya ni Silva (presyo: P1,400/kilo).

Sa dami, naisipan ni Silva na ibenta ang ani sa palengke. “Pero binarat ako doon,” sabi niya. “P15 kada kilo ang presyo.”

Eh di nakapag-isip siya ng ibang paraan sa mga organikong luya niya: tsaa, sa pangalang Mira’s Turmeric Product.

Muling namuhunan si Sila ng P1,000 para bumili ng sampung kilong turmeric tea powder. Inalok ni Silva ang tsaa niya sa mga matataong lugar sa Lungsod ng Lipa.

Matapos ang anim na buwan, pati pagpapaikot ng puhunan, kumita si Silva ng P15,000.

Dumating ang break kay Silva ‘oong Disyembre taong 2015 nang naisali ang kanyang produkto sa Ala Eh! Festival ng lalawigan ng Batangas. Nakapag-repack si Silva ng 200 kilo ng turmeric tea para sa isang linggong supply sa festival.

Laking gulat umano nila na sa loob lamang ng tatlong araw, ubos agad ang 200 kilong tuermeric tea na kaagad ang kanilang produkto, at nagneto siya ng 10 libong piso.

Ang produkto ni Mira ay nadagdagan na rin ng Moringa Powder, Classic Salabat, at 12-in-1 Herbal Tea Powder (mild and strong flavor).

 

Ang ilan sa mga produkto ng Mira's Turmeric Product (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Ang ilan sa mga produkto ng Mira’s Turmeric Product (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

 

 

 

Ang Turmeric tea ay nagkahahalaga ng P121 (250g) at P245 pesos kada 300g. Mabibili naman sa halagang P100 pesos kada 100g ng Moringa Powder at 200 pesos kada 200g.

Ang Classic Salabat naman ay P99 per 100g at P199 sa 400g. Ito ay maaaring bilhin sa mga may pwesto ng organikong gulayan nakapwesto sa bakuran ng Lipa City Hall at Bigben Complex.

Samantala ang 12-in-1 Herbal tea ay pinaghalu-halong sangkap mula sa luyang dilaw, Luyang Tagalog, dahon ng malunggay, sambong, guyabano. bignay. banaba, moringa, lagundi, bunga ng paminta, madcovado, at pulot (honey).

Ayon kay Dr. Glen Lasafin, isang General Practioner,ang luyang dilaw aniya ay mayaman sa potassium at may taglay na anti-inflamatory na mga elemento. Personal aniya syang umiinom nito at may mga kapwa siya duktor ng medisina na nagtatanim nito sa kanyang farm dito sa Lipa.

Ang mild at strong flavor na tsaa ni Silva ay mabibili rin sa halagang P90 kada 150g at P220 pesos kada 400g.

Sa kasalukuyan ay tinatayang isang tonelada ng Turmeric Tea at 800 kilo ng 12-in-1 Herbal powder ang naibebenta ni Mira sa merkado kada linggo.

Lumago na ang negosyo ni Silva (na nakapagtapos ng BS Customs Administration). Mayroon na siyang 11 tauhan, nakapagpatayo na ng opisina, at nakabili na rin sila ng sasakyang panghatid ng produkto sa kanyang mga kliyente.

At sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI, o Kagawaran ng Kalakalan at Industriya), naimbitahan si Silva na i-exhibit ang kanyang mga produkto sa 23rd Pistahan Parade and Festival na gaganapin sa Yerba Buena Gardens sa San Francisco California, U.S.A, ngayong darating na ika- 12 at 13 ng Agosto.

“Hindi ako nakakalimot sa aking pinagmulan. Gusto ko ang aking produkto ay affordable sa lahat,” paliwanag ni Mira. Maliban sa kanyang bakuran, binibili ni Silva ang mga sangkap ng kanyang tsaa sa mga magsasaka ng grupong Gawad Kalinga sa Bayan ng San Jose, at sa mga magsasaka sa Barangay Lumban ng Lungsod ng Lipa.

Mabibili ang Mira’s Turmeric Products sa Fisher Mall (Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila), sa All Day Supermarket, sa Tanauan Organic Store sa may Waltermart, at sa mga sangay ng Robinsons Supermarket.

 

 

This story can be published, broadcast and/or posted online provided The Filipino Connection and the article’s author/s are properly acknowledged. Editorial mistakes are the publisher’s. Email: thefilipino.connection@gmail.com.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments