Miguel nakakakilabot ang karanasan sa pagtulog

0
31


Exciting para sa Kambal, Kari­bal actor na si Miguel Tanfelix ang kuwento ng bago niyang serye kasama si Bianca Umali.

Isa raw itong recipe na kumpletos rekados dahil may love story, may kuwento ng pa­milya, may drama at meron ding mystery at konting horror.

Nakakadagdag sa kanyang pagiging proud sa serye ay ang pagtutulungan ng bawat isa na mabuo at makumpleto ang bawat eksena.

Para i-relate ang sarili sa tema ng serye, napakuwento si Miguel tungkol sa isang nakakakilabot niyang experience na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya malimutan.

Noong isang beses daw na magising siya sa kalagitnaan ng tulog ay may nakita siyang anino na parang nakabantay sa kanya.

Sa gulat ay dapat tatayo ito mula sa pagkakahiga pero mas natakot siya nang ma-realize niyang hindi siya makagalaw.

Nang magi­sing nang tuluyan kinabukasan ay nalaman niyang sleep paralysis daw ang tawag doon.

Askal sa set ng My Korean Jagiya inampon ni Heart

Isa sa mga adbokasiya ni Heart Evangelista ang panga­ngalaga sa mga stray ani­mals o ‘yung mga ha­yop na walang permanenteng tirahan o kaya tagapag-alaga.

Ayon kay Heart, dapat matuto ang mga Filipino na kumupkop ng mga hayop na nakikita nilang hindi naaa­lagaan nang maayos, kaysa bumili pa sa ibang tao.

Kaya nu’ng me­ron siyang nakitang pa­laboy na aso sa set ng My Korean Jagiya, hindi nagdala­wang-isip si Heart na ampunin ito!

Ibi­nahagi naman niya ito sa kanyang Instagram account para maging role model sa kanyang mga followers.

Jessica humahamig ng awards

May nadagdag na naman sa napakarami nang mga tropeo ng GMA News pillar na si Jessica Soho matapos siyang kilalanin bilang News Personality of the Year ng Gawad Excellentia Awards 2017 ng St.  Dominic College of Asia kamakailan lang.

Pinarangalan siya sa natatangi niyang paghahatid ng balita sa State of the Nation with Jessica Soho na napapanood gabi-gabi sa GMA News TV.

Hindi maikakailang Kapuso news anchors ta­laga ang mas pinagkakatiwalaan pagdating sa paghahatid ng mga balita. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments