Miguel, Bianca level up | Tempo

88


By Ruel J. Mendoza

READY to level up na ang BiGuel loveteam nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil sa upcoming primetime drama series nila na “Kambal, Karibal.”

Mas mabigat at mas lalabas daw ang mga napag-aralan nila sa mga acting workshops dahil sa characters nila sa naturang teleserye.

Ayon kay Bianca: “The characters of BiGuel for this drama series are different from what they’ve used to. They should expect more intense scenes.

“It will be a different Miguel and Bianca.

“Hindi na po siya ‘yung magiging usual na pa-sweet lang.

“It will be heavier, kung paano siguro namin ide-deliver ‘yung character.

“It’s not going to be ‘yung magaan lang. I think we’re ready to level up.”

Para naman kay Miguel, ipapakita raw niya ang maturity niya bilang isang aktor. Nagsimula kasing child actor si Miguel na produkto ng “Starstruck Kids” noong 2004.

Lumabas na siya sa maraming roles bilang bata hanggang sa bigyan siya ng solo project bilang isang teen actor sa teleserye na “Niño” noong 2014.

“Every time naman na may bago kaming character ni Bianca, we make sure na iba ‘yung nakikita nila para, alam mo ‘yun, may pagkakaiba ‘yung character ni Pagaspas sa character ni ganyan.

“Para mas maintindihan po nila ‘yung story pati ‘yung hugot ng character.”

Ang “Kambal, Karibal” ang ikatlong primetime teleserye na magtatampok sa BiGuel loveteam. Una nilang primetime show ay ang “Once Upon A Kiss” at pangalawa ay ang “Mulawin vs. Ravena.”

Ginawa rin nila ang afternoon teleserye na “Wish I May” at ang comedy musical show na “Full House Tonight.”

Kapwa rin excited ang dalawa na makatrabaho ang mga veteran stars na kasama sa cast ng “Kambal, Karibal.”

Para kay Bianca, gusto niyang matikman ang sampal mula kay Jean Garcia.

Si Miguel naman ay masa-starstruck sa award-winning actor na si Christopher de Leon.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/11/28/miguel-bianca-level-up/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments