MGA UTAK LUNO! – Remate

0
52


LUNO, malambot na balat ng alimango, alimasag o hipon. Kumbaga sa tao, mahina, kulang sa lakas at pagtatanggol sa sarili dahil nanunuyot ang mga buto’t balat. Bagaman, nandun pa rin ang talino?

Ganyan ang ipinakikita ng ilang kritiko ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE partikular sa usapin ng tulong pinansiyal daw ng European Union at ang usapin tungkol sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea o South China Sea.

Malaki ang paggalang natin kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio hindi lang dahil magaling siya na mahistrado kundi malawak, malalim ang kanyang kaalaman sa kasaysayan ng WPS. Alam niya ang kasaysayan at may mga aklat siya na batayan ng kanyang hinaharap na isyu.

Lamang, ayaw niya tanggapin ang totoo na wala tayong kakayahan na lumaban sa higanteng China. Hindi naman pwedeng puro tayo tapang na sa huli ay mauubos naman ang lahi natin! Gusto ko pang mabuhay nang matagal at payapa!

Maliban sa kulang na tayo sa puwersang militar, mas malaki ang kulang natin sa mga kailangan na armas pangdigma kung sakali. Iyan ang totoo! Sa tao lang, ang China ay may halos 3-milyong palaban habang ang Pilipinas ay wala pang 1-milyon. Lalaban pa ba tayo?

Malinaw ang plano ni Pang. Duterte sa atin tungkol sa usaping iyan. Kaya sa halip makipag-away, kinaibigan niya ang China at nagbunga ito ng bagong balangkas sa ating lipunan. Nagbigay ng daan-dang bilyon ang China sa atin bilang pautang, tulong at bigay para sa ating imprastraktura.

Tungkol naman sa pagtanggi ni PRRD sa tulong pinansiyal ng EU, tama lang dahil batbat ng kondisyon ang buntot ng EU money. Puro dikta kung papaano dapat gastusin. Marami pang kondisyon na malinaw na “pakikialam” sa ating pangloob na malayang pagkilos.

Ang ibang kritiko naman ay tila mga asong ulol din. Patunayan nila na lubusang isinuko ni PRRD ang teritoryo natin sa WPS. Wala pa si Duterte ay nanakop na ang mga Tsino at naging mabangis sila sa pagsakop noong panahon ng dating rehimen ni Noynoy Aquino.

Bakit sa halip na tumulong kayo para maging malakas tayo sa mga ganyang usapin, kung makatahol kayo akala ninyo kayo sina Superman at Batman? Noon nga na nagkudeta kayo, umurong din mga buntot n’yo!

Tama na. Sobra na ang bangayang panloob, wala tayong malulutas na problema kung tayo-tayo ang naglalaban. Tumindig, sumama, makiisa sa pangangalaga ng ating malayang Republika! Kaya! BALETODO/ED VERZOLA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments