Mga opisyal ng Pilipinas at Russia, nilagdaan ang ilang kasunduan

0
68



Ilang kasunduan ang nilagdaan ng mga opisyal ng Pilipinas at Russia. 

Ito’y kahit pa nakaalis na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos putulin ang kanyang official visit sa Russia dahil sa bakbakan sa Marawi.

Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan:

– Cooperation to promote tourism. Nasa 3 milyon kada taon ang pumapasok na Russian tourists sa Southeast Asia at umaasa ang ating gobyerno na makukuha natin ang malaking bahagi niyan dahil sa kasunduang ito.

– Memorandum of understanding para sa agrikultura ng dalawang bansa. Makakatulong ito sa food security at storage of fishery and agricultural products.

-Defense cooperation. Tututok ito sa pakikipagpalitan ng training, seminar, military education, medicine, at history.

– Security agreements kung saan kasama ang sharing of intelligence

– Cooperation on transportation.

– Cooperation on cultural arts and culture

– Investment cooperation on trade

– Memorandum of understanding on industry and development

– Memorandum of understanding on peaceful use of atomic energy 

– More interactions between foreign affairs offices by both countries

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan cayetano, binigyan sila ng instructions nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vladimir Putin na isulong ang mga nasabing kasunduan.

Sa usapin naman ng hiling na soft loan ni Duterte sa Russia, sinabi ni cayetano na nasa stage sila ng paggawa ng proposals na maibibigay sa Russia. Gusto umanong malaman ng Russia ang detalye pagdating sa mga armas at gamit na kailangan ng Pilipinas. 

Kabilang sa inilatag na armas ng Russia ang amphibian planes na magagamit panlaban sa terorismo at fire-fighting. Mula rito ay magbibigay ang Russia ng halaga at terms para rito. Wala naman umaong napag-usapang military alliances.

Tuloy naman ang business forum na nauna nang nakaschedule. Nasa 200 ang business delegation na nasa sa russia. Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, nais nilang ipakita na isolated incident lang ang nangyari sa Marawi kaya dapat lang isulong ang mga kasunduan. Nais nilang iparating ang mensahe sa mga Russian na magandang economic destination pa rin ang Pilipinas.

Ilang kasunduan pa ang nakatakdang lagdaan tulad sa space technology, irrigation at iba pa.

Ayon kay Tourism Sec. Wanda Teo, wala pang mga cancellation sa ngayon ng mga biyahe sa Pilipinas sa gitna ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao. Kumpiyansa si Teo na ‘di ito makakaapekto sa tourism industry.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments