Mga hosts ng ‘Magandang Buhay,’ todo pasasalamat sa unang anibersaryo

0
68



MANILA – Para sa tagumpay ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng “Magandang Buhay,” ibinahagi ng mga host nito na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ang pasasalamat sa isa’t isa.

Nitong Biyernes, nagpasalamat si Melai kay Jolina sa pagiging mapagkalinga nito, samantalang ang pagiging mabuting huwaran sa kanilang grupo ang ipinagpasalamat ni Melai kay Karla.

“Salamat, momshie Jols, kasi you always listen to our problems. Salamat, you are always there, at saka napaka-thoughtful. Salamat, momshie Karls, because you are our Ate. Salamat, dahil ikaw talaga ang support system naming dalawa ni mom Jols, ikaw talaga ang aming role model,” ani Melai.

Para kay Jolina, nagpasalamat siya kay Melai para sa tuwang ibinibigay nito sa grupo.

“Salamat, momshie Mels, kasi sa isang grupo dapat laging masaya, so maraming salamat dahil sa pagbibigay mo ng kasiyahan sa amin. Thank you din, dahil nakikinig ka sa kwento ko, kahit ano pa yung kwento na ‘yon. Nararamdaman ko ‘yung support mo,” ani Jolina.

Kakaibang papuri naman ang ibinigay ni Jolina para sa co-host na si Karla.

“Napakuwento ako kay Mark na, ‘Papa, ibang level ko nakilala si momshie Karls dahil sa kwento ng ibang tao.’ Feeling ko na blessed ako na magkaroon ng ‘Magandang Buhay’ dahil sa inyong dalawa at pati rin sa staff,” ani Jolina.

Tulad naman ni Jolina, pinasalamatan din ni Karla si Melai sa pagiging “sunshine” ng kanilang grupo.
 
“Gusto naming magpasalamat sa iyo dahil ikaw lagi ang nagbibigay-ngiti sa aming mga labi. Ikaw lagi ang nagpapasaaya sa aming umaga. Ikaw actually ang sunshine naming dalawa. ‘Yan ang hindi nabibili, ang makapagpasaya ng tao,” ani Karla kay Melai.

Nagpasalamaat naman si Karla kay Jolina sa pagiging mapagkalinga at pagiging matulungin nito.

“Actually, si Momshie Jols ay very caring, thoughtful siya. Thank you, na you are always ready to listen every time na may kailangan kaming sabihin sa iyo ay nandiyan ka. Alam ko na anytime na mangangailangan kami ay nandiyan ka at ‘di ka magdadalawang isip, dahil ganoon kang tao. Thank you so much for being you,” ani Karla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments