Mga artista, modelo nakakaramdam ng takot sa BGC scandal

0
215


Umani ng batikos ang News5 ng TV5 dahil inilabas nila ang pangalan at mugshots ng mga kalalakihan na dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents sa drug buy-bust sa isang hotel sa Taguig City noong Linggo, November 26.

Agad na binura ng Facebook page adminis­trator ng News5 ang kopya ng mugshots pero­ huli na dahil mabilis na kumalat ito.

Walang pagkakataon­ ang mga suspect na i-deactivate ang kanilang mga social media account at dahil inilabas ng News5 ang complete names nila, na-research ito ng mga tao na nagpakita­ ng interes sa kaso kaya nalaman ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa mga biktima ng public shaming.

Mga mo­delo at professional ang mga dinakip na inakusahan ng paggamit ng mga illegal drugs at pagdaraos ng sex orgy.

Napag-alaman na may mga kaibigan na mga artista at kapwa modelo ang mga suspect dahil sa mga litrato na naka-post sa kanilang mga social media account.

Ang latest update na natanggap ng Abante, nababahala ang mga artista at model na baka masangkot sila sa kontrobersiya dahil sa mga litrato na ebidensya na kakilala nila ang mga dinakip ng PDEA agents.

Kung walang bisyo na masama ang worried friends ng mga suspect, walang dahilan para­ matakot sila.

Male model nalaos agad dahil sa droga

Kabarkada ng isa sa mga nadakip ang male model na napapabalita na karelasyon ng aktor na matagal nang pinaghihinalaan na gay. In demand noon sa mga print ad at television commercials ang male model pero tumatamlay na ang modeling­ career niya dahil sa balita na lulong na rin siya­ sa paggamit ng illegal­ drugs.

Ang male model ang isa sa mga kasama sa litrato na naka-post sa Facebook account ng isa sa dinakip ng mga ahente ng PDEA.

PDEA nag-sorry sa paglalantad ng HIV positive

Sa pamamagitan ni PDEA spokesperson Director Derrick Carreon, humingi ng paumanhin ang pamu­nuan ng nasabing govern­ment agency dahil­ sa di umano ay hindi sinasadya­ na pagkakabanggit na HIV positive ang isa sa mga suspect.

“Nagkataon lang na talagang nahapyawan but there was no intention to shame or much less, to single out. We were just trying to highlight na there was an accomplishment pertaining­ to the proliferation of very dangerous party drugs.

Hindi po natin intensyon na pahiyain ang kahit sinuman,” ang maayos­ at malinaw na pahayag­ ni Carreon pero hindi pa rin maaalis ang katotohanan na paghihinalaan na HIV positive ang lahat ng mga dinakip, hangga’t hindi natutukoy kung sino talaga­ sa kanila ang afflic­ted ng nabanggit na karamdaman.

Hey Matteo ngayong gabi

Matteo Guidicelli

Magaganap nga­yong gabi ang Hey Matteo, ang first major concert ni Matteo Guidicelli sa Metro Manila. Ang Kia Theatre ang venue ng Hey Matteo at ipina­ngako ng singer/actor na ibang Matteo ang mapapanood ng audience.

Ang Hey Matteo ang follow up ni Matteo sa Matteo, Made in Cebu­, ang sold out concert niya­ sa Cebu noong November 18, 2016. Special guests ni Matteo sina Morisette Amon, Kiana Valenciano at Rapper Loonie. Si Louie Ocampo ang musical director at si Rowell Santiago ang direktor ng Kia Theatre concert ni Matteo.

Eugene Tejada mabait pero seloso

Mabait pero seloso ang indie actor na si Eugene Tejada, ayon sa isang direktor na nakatrabaho niya. Hindi sikat na aktor si Tejada pero pinag-usapan at headline ng mga news program at mga diyaryo ang pambubugbog niya­ kay Frenil Bautista sa isang supermarket sa San Mateo, Rizal noong November 22, 2017.

May alam sa martial arts si Tejada at ang ma­tinding pananakit niya kay Bautista na nabasag ang bungo ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. Murder ang kaso na isasampa ng naulilang pamilya ni Bautista laban kay Tejada.

Nanindigan ang pamilya ni Bautista na diabetic­ ito at may mga pagkakataon na biglang nahihilo kaya walang katotohanan ang paratang ng girlfriend ni Tejada na hinipuan siya ng biktima habang nasa supermarket sila.

Sumigaw ang girlfriend ni Tejada na minamanyak siya nang sumandal sa kanya si Bautista na ikinagalit ni Tejada na walang awa na binugbog ang biktima.

X ng MTRCB mabigat sa damdamin ni Alfred

Alfred Vargas

Nire-edit ng direktor na si Perry Escano ang mga eksena ng Ang Guro Kong ‘Di Magbasa kaya binigyan ito ng PG 13 classification ng MTRCB. Dahil sa bagong classification, maipala­labas na sa mga sinehan sa December 6 ang pelikula ni House Representative Alfred Vargas na may maselan na kuwento tungkol sa buhay ng mga child warrior sa Pilipinas.

Sa unang review, Rated X ng MTRCB members ang Ang Guro­ Kong ‘Di Marunong Magbasa na ikinagulat ni Alfred.

“At first, medyo ma­bigat po talaga sa damdamin kasi sama-sama kaming lahat na pinaghirapan ‘yung film.

“Halos lahat po kami nagsakripisyo. Nun’ng nagkaroon kami ng commercial release, ang saya-­saya namin, only to hear the bad news na X nga daw po. True enough, to be fair naman to the MTRCB, binigyan naman kami ng guidelines kung bakit ganoon.

“To be fair to MTRCB Chair Rachel Arenas, nu’ng nakita namin (‘yung guidelines), in-address isa-isa ni Direk Perry­ without sacrificing the artistic scenes kaya ngayon naging PG13, ang saya-saya namin. Ang ibig sabihin, mapapanood po siya ng mga tao,” ang sabi ni Alfred.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments