MAYWEATHER WAGI NG TKO –

0
46


Yakapan ng gloves sina Floyd Mayweather Jr. at Conor McGregor sa tagpong ito ng kanilang sagupaan sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Linggo (Manila time). Wagi si Mayweather via TKO sa 10th round. (AFP)

“This is my last fight for sure. 50-0 sounds good, I’m looking forward to going into the Hall of Fame. “I picked the best dance partner to do it with.”

Matapos kunin ang ika-50 sunod na panalo nang talunin via TKO si MMA star Conor McGregor, Linggo ng umaga (Manila time) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, inihayag ni Floyd Mayweather Jr. na magreretiro na ulit siya.

Hinayaan muna ni Mayweather na umeksena si McGregor sa mga unang rounds, at nang makitang pagod na ang kalaban, naging agresibo na ang American boxer at pinulbos ang MMA fighter na nakasandal na lang sa lubid.

Dahilan para itigil ni referee Robert Byrd ang sagupaan sa 1:05 ng 10th round.

Matapos sumuntok sa unang tatlong rounds, naramdaman ni Mayweather na wala nang lakas si McGregor, kaya naman, sinamantala na niya ang pagkakataon at nagawa niyang umiskor ng stoppage win laban sa fighter na ngayon lang napasabak sa isang professional boxing match.

At matapos ang sagupaan, hindi puwedeng hindi babanggitin ni Mayweather si Filipino ring icon Manny Pacquiao, sa pagsasabing ang laban nila ni McGregor ay pambawi sa nakakadismayang laban nila ni Pacquiao noong 2015.

“I think we gave the fans what they wanted to see,” lahad ni Mayweather.. “I owed them for the (Manny) Pacquiao fight.”

Ito ang ikatlong pagkakataong magreretiro ang 40-anyos na si Mayweather.

Una siyang nagretiro noong 2008 matapos talunin si Oscar De La Hoya.

At matapos magwagi kay Pacquiao noong Mayo 2015, nagretiro makaraang talunin si Andre Berto, Setyembre 2015.

“Our game plan was to take our time, go to him and take him out in the end,” dagdag ni Mayweather. “I guaranteed everybody this fight wouldn’t go the distance.” 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments