MAUTE SISTER TIMBOG! –

0
197


Screengrab ang litratong ito na kuha mula sa handout video na inilabas ng Philippine Army kahapon kung saan makikita si Abdullah Maute (kanan) habang pinag-aaralan ang improvised map ng Marawi City. Nakamasid naman si Isnilon Hapilon (nasa gitna ng tatlong nakaupo) habang pinaplano nila ang pag-atake sa Marawi sa isang hindi batid na lugar sa Mindanao. (AFP Photo/Philippine Army Handout)

Tatlong katao kabilang ang kapatid na babae ng teroristang Maute brothers ang naaresto sa pantalan ng Iloilo kahapon at kasalukuyan nang isinasailalim sa masusing interogasyon ng mga awtoridad.

Batay sa ulat, nati­yempuhan ang kapatid na babae nina Abdullah at Omar Maute habang sakay ng MV St. Therese of Child Jesus nang dumating ito sa Iloilo port galing ng Cagayan de Oro.

Ayon kay Capt. Leopoldo Panopio, ang commander ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Northern Mindanao, hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng Maute sister na nasa listahan ng mga pinaghahanap na miyembro ng Maute Group subalit matapos na makumpirma na ito nga ang kapatid nina Abdullah at Omar ay agad silang nagtungo ng kanyang mga tauhan sa Iloilo.

Sinalubong na kaagad umano ng mga awtoridad ang naturang barko bago pa man ito makadaong sa Iloilo port at dinakip ang kapatid na babae ng Maute brothers.

Bukod sa kapatid na babae nina Abdullah at Omar ay dalawa pang kasama nito ang inaresto rin. Isa dito ay lalaki na putol ang isang paa kaya iniimbestigahan din kung kagaga­ling lang nito maoperahan o nasugatan ang paa sa bakbakan sa Marawi City.

Batay pa sa ulat, gumamit ng ibang pa­ngalan ang Maute sister nang sumakay sa barko sa pantalan ng Cagayan de Oro City.

Hindi pa pinapa­ngalanan ng mga awtoridad ang naarestong kapatid ng Maute bro­thers gayundin ang dalawang kasama nito.

Una nang naaresto ang mga magulang ng Maute brothers at isa pang kapatid na si Mohammad Noaim Maute alyas Abu Jadid.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments