MAUTE GINULO NI HAPILON –

0
96


Natanaw ang makapal na usok mula sa isang lugar ng Marawi City na pinagtataguan ng Maute Group matapos itong targetin ng aerial bombings ng Philippine Air Force kahapon. (AFP)

Nagkakagulo na ang liderato ng Maute Group makaraang abandonahin sila ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon habang patuloy ang tumitinding military operations laban sa mga terorista sa Marawi City.

“We have received reports that Maute leadership inside conflict zone is crumbling. We’ve validated reports that there are leadership problems inside Maute Group,” ayon kay Joint Task Force Marawi spokesman Lt. Col. Jo-ar Herrera.

Tinukoy ni Herrera si Hapilon na siyang nagpasimula ng kaguluhan sa loob ng lide­rato ng Maute Group na nag-aaway-away ngayon dahil sa pera at logistical support.

Una nang inihayag ng militar na posibleng nakatakas na sa Marawi si Hapilon. Subalit patuloy pa umano nilang kinukumpirma kung nakatakas na nga si Hapilon sa kabila ng mahigpit na military at police cordon.

HAPILON SUGATAN SA AIRSTRIKE

Isa sa dahilan kung bakit tumakas umano sa war zone si Hapilon ay dahil sa sugat na tinamo nito sa sagupaan.

Batay aniya sa nakuha nilang ulat, nasugatan si Hapilon mula sa inilunsad na airstrike sa puwesto nito sa conflict area, tatlong linggo matapos sumiklab ang kaguluhan sa Marawi. Naipuslit umano ito palabas ng Marawi.

Patuloy pa umano nilang kinukumpirma ang naturang impormasyon. Pero sakaling totoo aniya ang ulat, tiyak na mahuhuli rin ito.

Inihalimbawa ng opisyal ang pagpuslit ng mga magulang ng Maute brothers, ilang kapatid at kapanalig ng teroristang grupo na naaresto rin sa magkakahiwalay na lugar.

NAGPAPATAYAN NA

Sinabi pa nito na may ilan ding miyembro ng Maute Group ang nagsisisi na umano na sumama sila sa teroristang grupo matapos pangakuan ng malaking halaga ng mga lider nito subalit hindi naman natupad.

Samantala, inihayag naman ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng Western Mindanao Command, na nagpapatayan na umano ang mga miyembro ng Maute Group dahil na rin sa gulong nagaganap sa liderato nito.

May natanggap umano silang impormasyon ukol sa pagpatay ng mga lider ng terror group sa mga miyembro nila na nais nang tumakas sa sagupaan.

Sinabi ni Galvez na ang naturang ulat ay batay na rin sa kuwento ng mga naarestong terorista na nagbunyag na pinapatay ang mga kasamahan nilang nagpupumilit nang umalis sa Marawi.

Ayon kay Galvez, posibleng hindi inaasahan ng mga terorista na tatagal ang labanan o maaaring hindi rin natupad o naibigay ang ipinangako sa kanilang pera o benepisyo kaya nais na nilang tumiwalag.

REINFORCEMENT MINO-MONITOR

Matindi ang seguridad na inilatag ng military hindi lamang sa Marawi kundi maging sa mga karatig nitong bayan para mapigilan ang posibleng pagpasok ng reinforcement at iba pang ayuda sa Maute Group.

“Ang ginagawa po natin ngayon dito ay matindi po ang seguridad na ipinatutupad hindi lamang po sa Marawi, it includes also ‘yung ibang karatig na municipality para mapigilan po ‘yung reinforcement na sinasabi po na mga napapaulat.

Naghigpit din po tayo sa mga sinasabing chokepoints kaya matindi po talaga ‘yung security dito po sa offensive position ng Maute Group,” pahayag ni Lt. Col. Herrera.

“Naka-monitor pa rin po tayo nang todo sa posibleng pagtakas ng Maute kasi ipit na ipit na po sila, nagkakagulo na sila sa loob dahil sa leadership issue,” ayon pa kay Herrera.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments