Marvin kinamumuhian agad –

46


Hindi pinalagpas ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng pina­kabagong primetime series ng GMA na Kambal, Karibal na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, a.k.a. BiGuel. Marami ang humanga dahil first episode pa lang ay mukhang marami na talagang kaabang-abang na eksena dito.

Unang nabighani ang mga ito sa mga eksena ng veteran stars na sina Carmina Villaroel at Alfred Vargas na silang gumaganap bilang Geraldine at ­Alex. Mukhang marami naman ang nasuklam sa pagpapakita agad ng kasalbahian ng karakter ni Marvin Agustin as Raymond na siyang nagbabalak ng masama para muling makuha ang ex-girlfriend niyang si Ge­raldine.

Idagdag mo pa ang pangpi-flirt ni Nida (Katrina Halili) na talagang nakakagigil. Grabe, pasabog agad agad, huh! Congratulations, GMA, para sa kakaibang konsepto na ito sa telebisyon!

Carmina at Bitoy ka-good vibes ang reunion

Carmina Villarroel at Michael V

Tuwang-tuwa ang mga nakasaksi sa reunion nina Pepito Manaloto (Michael V.) at Maricar (Carmina Villarroel) sa well-loved family sitcom ng Kapuso Network noong Sabado.

Nakaka-good vibes ang mga nabasa n

aming sa social media habang pinapanood ito. Sabi ng ilang netizens sana raw ay for good na ang pagbabalik na ito ni Carmina sa show ni Bitoy lalo na at iba rin ang chemistry niya kasama ang pamilya ni Pepito na sina Elsa (Manilyn Reynes). Natural lang talaga ang dating at hindi OA ang pagpapatawa. Kailan kaya namin uli mapapanood ang Kapuso actress dito? Abangan!

Balik-teleserye rin si Carmina sa Kambal, Karibal na nagsimula noong Lunes. Sabi nga ni Carmina ay puro iyakan sila dito sa pilot week. Pero okay naman daw siya kahit medyo naninibago pa siya.

Si Carmina ay da­ting nasa GMA bago nagtrabaho sa ABS-CBN. Nag-umpisa siya sa mga guestings sa iba’t ibang TV shows bago sumabak sa teleserye. Pati nga ang mister na si Zoren ay nasa Ika-6 na Utos at lumabas din sa Eat Bulaga ang kambal nila.

Encantadia nabuhay sa socmed

Na-touch si Direk Mark Reyes nang muling pinag-usapan ng netizens ang kanyang fantaseryeng Encantadia. Nangyari ito nang ipalabas ng GMA Network sa kanilang YouTube account ang director’s cut ng Encantadia kung saan mu­ling binalikan ang highlights at BTS ng pagkakagawa ng Encantadia 2016.

Sa kanyang Instagram account, in-upload ni Direk Mark ang screenshot ng trending topics sa social media na Twitter kung saan pang-pito ang hashtag na #EncaFinaleDirectorsCut sa pinakapinag-usapan.

“It feels awesome when your TV show that has been off the air still trends on the top 10. That is the true measure of its success and the fandom’s love,” sabi niya.

Iba rin naman talaga kasi ang magic mo, Direk! Congrats on this! You deserve it.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments