MARTIAL LAW SA ‘PINAS? –

0
149


Inilutang kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad ng pagdedeklara ng Batas Militar sa buong Pilipinas kapag gumapang at makarating na ang mga galamay ng teroristang grupo hanggang sa Visayas at Luzon.

“If I think that ISIS has already taken foothold also in Luzon, and terrorism is not really far behind, I might declare Martial Law throughout the country to protect the people,” pagbibigay-diin ni Pangulong Duterte sa press briefing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kahapon ng hapon matapos mapaaga ang pag-uwi nito mula sa official visit sa Russian Federation para harapin ang krisis sa Marawi City sa Mindanao.

Binanggit din ng Pa­ngulo na hindi rin mala­yong magdeklara siya ng Martial Law sa Visayas upang hindi makapuslit ang mga terorista sa rehiyon ngayong nasa ilalim na ng Batas Militar ang buong Mindanao.

“I may decide to expand the area to include the Visayas because it is a walking distance actually. I might also decide to suspend the privilege of writ of habeas corpus in Visayas. Remember that this is not intended for the law-abiding citizens. We are the least of your worries,” ani Duterte.

I’ll be harsh — PDU30

Papasakay na ng truck ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard Special Operations Group (PCG-SOG) na patungo naman sa barko na kanilang sasakyan papuntang Mindanao bilang dagdag puwersang ipinadala at naatasan para magpatrolya sa karagatan sa paligid ng Marawi City kung saan nanggugulo ang Maute Group. (Jonas Sulit)
Papasakay na ng truck ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard Special Operations Group (PCG-SOG) na patungo naman sa barko na kanilang sasakyan papuntang Mindanao bilang dagdag puwersang ipinadala at naatasan para magpatrolya sa karagatan sa paligid ng Marawi City kung saan nanggugulo ang Maute Group. (Jonas Sulit)

Tiniyak ni PDU30 na magiging mabagsik siya sa pagdurog sa mga terorista at bandido na naghahasik ng karahasan kasunod ng pagdedeklara nito ng Martial Law sa buong Mindanao.

Sa isang panayam (ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson na ipinaskil sa kanyang Facebook), muling binanggit ni Pa­ngulong Duterte bago ang kagyat na pagbalik nito ng Pilipinas mula sa Russia ang ginawang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Pinakakalma rin ng Pangulo ang mga Pinoy sa gitna ng kaguluhan sa Mindanao matapos umatake ang Maute Group sa Marawi City nitong Martes ng hapon.

“Sa mga kababa­yan natin, do not be too scared. I’m going home. I’m cutting my visit here (Russia) to be with my countrymen and I will deal with the problem when I arrive. But let me just tell everybody that I have declared Martial Law in Mindanao,” bahagi ng pahayag ni Pa­ngulong Duterte.

Kung gaano katagal iiral ang Martial Law ay wala pang katiyakan aniya at nakadepende na ito kung mapapabilis ang pagresolba sa problema.

“How long? Well, if it would take a year to do it, then we will do it. If it’s over within a month, then I’d be happy,” sabi ng Pangulo.

Gayunpaman, ipinaliwanag ng Pangulo na walang pagkakaiba ang idineklara niyang Martial Law sa Mindanao sa panahon ng rehimeng Marcos.

“I’ll be harsh. I was asked one time, I think it was during the campaign in La Salle, I was asked how I would deal with terrorism. I said I will be harsh. And sinabi ko nga sa lahat, do not force my hand to do it. I have to do it to preserve the Republic of the Philippines,” pagtatapos ng Pangulo.

9 patay, 33 sugatan

Kaugnay nito, kinumpirma ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo, Quezon City na limang sundalo, apat na pulis at ilang sibilyan na umano’y Kristiyano ang nasawi habang 33 pa ang iniulat na sugatan sa patuloy na pakikipagbakbakan laban sa Maute Group sa Marawi City, Lanao Del Sur.

Jail sinunog, preso pinakawalan

Ayon kay AFP public affairs office chief Col. Edgard Arevalo, wala pa silang tinatanggap na kumpirmasyon kung may mga nasawi o nasugatan sa panig naman ng kalabang Maute Group, sa pagpapatuloy ng sagupaan.

Bandang alas-dos ng hapon kamakalawa nang magsimula ang bakbakan sa Barangay Basak, Malutlut nang malaman ng tropa ng pamahalaan na positibo ang presensya sa lugar ni Isnilon Hapilon.

Sinunog din ng mga ito ang Dansalan College, ang Cathedral at maging ang city jail kamakalawa ng gabi. Maraming mga bilanggo ang sinasabing sumanib sa Maute Group at ang iba naman ay tumakas.

Pari, 9 pa dinukot

Sinabi rin ni Arevalo na kinukumpirma rin nila ang ulat na dinukot at bihag ng mga Maute Group ang ilang sibil­yan na kinabibilangan ng isang pari na si Fr. Teresito Suganog, Vicar General ng St. Mary’s Cathedral na kabilang sa 10 binihag.

Nagbanta ang Maute Group na papatayin ang mga bihag kung hindi ititigil ng militar ang pagtugis sa kanila.

Marawi City, ‘ghost town’

Samantala, patuloy pa rin kahapon ang exodus ng mga sibilyan mula sa Marawi City sa magulong lalawigan ng Lanao del Sur na kung saan ay hindi pa rin nababawi ng militar ang ilang mga lugar doon na hawak ng Maute jihadist group. Mistulang ghost town na umano ang nasabing lugar.

Maraming mga nagsilikas ang nagtungo sa Iligan City at Cagayan de Oro City, ngunit maaaring ilan sa mga ito ay miyembro ng Maute na tumakas mula sa operasyon ng mga sundalo sa ilalim ng Martial Law na idineklara ni PDU30.

Kalat ang mga jihadist sa may 11 barangay na sinakop nito at may balitang ilan sa mga ito ay pinaniniwalaang mga dayuhan na galing pa sa Malaysia at Indonesia.

Putol ang lahat ng linya ng kuryente sa buong Marawi kung kaya’t hirap ang mga sundalo na pasukin ito sa gabi.

Senado, Kamara aprub sa Martial Law

Sinuportahan naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang idineklara ni Duterte na Martial Law sa buong Mindanao .

Sa Senado ay sinuportahan din nina Sens. Sonny Angara, Juan Miguel Zubiri at Sherwin Gatchalian ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao matapos salakayin ng teroristang Maute Group ang Marawi City nitong Martes.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments