MARTIAL LAW PANAHON NA – Remate

0
96


SUPORTAHAN natin ang desisyon ni Pangulong Duterte na ideklara ang Martial Law sa Mindanao noong Martes nang gabi sa gitna ng krisis sa paglusob ng Maute terror group sa Marawi City, Lanao del Sur.

Napapanahon nang gamitin ang kamay na bakal laban sa mga terorista!

Bagaman pumalpak na naman ang Intelligence Operatives ng Armed Forces at Philippine National Police, nagtitiwala akong masusupil ng liderato ni Manong Digong ang panliligalig na ito sa Katimugan.

Dapat lang na panagutin ang mga opisyal na tutulug-tulog sa pansitan, kabilang na sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief General Eduardo Año at PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

Ayan nalusutan na naman kayo!!! Biruin mong nagmar-tsa ang mahigit 50 Maute terrorists, isang grupong sympathetic sa Islamic State, sumalakay sa City Jail at pinakawalan ang kanilang mga kaanib doon at pagkatapos ay pinasok ang isang ospital at nanunog ng mga eskwela, simbahan at iba pa.

May mga report pang namugot ng ulo ang mga demonyong ‘yan. Hindi naitago ang pagka-dismaya ng Pangulo sa pangyayaring ito kaya pati ang kanyang makasaysayang state visit sa Moscow, Russia ay naunsiyami tuloy.

Layon pa naman ng biyahe ni Manong Digong na palawigin at patatagin ang bilateral relations ng bansa sa Moscow at makabuluhan ito sa international prominence ng Duterte Administration.

Ngunit palpak nga ang mga naiwang awtoridad na dapat mangalaga ng seguridad ng bansa.

Hanggang saan mapapatawad ng Chief Executive at Commander-in-Chief ang incompetent na mga opisyal?

Ngunit bago pa iyan sagutin ni Manong Digong, maiging tiyakin na lubos na mabawi ng gobyerno ang Marawi City mula sa mga kilabot na terorista.

Pulbusin na ang lahat ng pinagkukutahan ng mga demonyong ‘yan bago dumayo pa sa ibang lugar. Ubusin na sila at gamitin ang kamay na bakal ng Martial Law! DEADSHOT/ERWIN TULFO

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments