Marian, harut-harutan kay Dingdong kahit duguan

0
17


Libre na naman si Dingdong Dantes sa taping ng Alyas Robin Hood, at siyempre pa, ang dalawin ang kanyang mahal na si Marian Rivera ang priority niyang gawin.

At tulad ng madalas niyang gawin, sinusorpresa niya si Marian, na bigla na lang siyang sumusulpot sa taping nito ng Super Ma’am.

Abot-tenga na naman ang smile ni Marian nu’ng bigla na naman niyang nakita sa harap niya ang mister niya.

“Dinalaw ni Robin Hood si Super Ma’am. Love you mahal. Na-miss kita,” sey ni Marian, na agad-agad kumandong kay Dingdong nang makita niya ito sa harap niya, sa gitna ng matinding eksena nila sa Super Ma’am.

Well, ang fight scene nga niya with Conan Steven na gumaganap na Baraka/Tamawo sa Super Ma’am ang kinukunan.

At kaloka, dahil may scene na talagang bugbugan sila, na buhat-buhat ni Conan si Marian habang nag-uupakan sila.

“Duguan kami!” sabi ni Marian na may mga bakas pa ng kunyaring pasa, dugo sa kanyang mukha.

Well, good job naman kay Dingdong dahil alam niyang mapapagod ang misis niya, mahihirapan sa taping, kaya gorabels siya para matanggal kahit sandali ang paghihirap ng misis niya.

Nagpapakengkoy, nagdyu-jokes, para lang maging masaya ang atmosphere sa taping.
Ang sarap lang tingnan na harut-harutan si Marian kay Dingdong, sa gitna ng mahirap na trabaho, ha!

Winwyn kain-to-death, enjoy-to-the-max na sa New York

Time to enjoy na si Winwyn Marquez, ang Reina Hispanoamericana 2017.

At tulad ng promise niya sa sarili, manalo man o matalo, stay muna siya sa New York City, para magbakasyon, mag-enjoy, at magtanggal ng stress na rin.

Makikita sa Instagram stories ni Winwyn ang pagrampa niya sa New York. Turistang-turista nga siya sa harap ng Statue of Liberty.

At tulad ng karamihang turista, mega-pictorial, video ang drama ni Winwyn.

Time to eat na rin para kay Winwyn. Matapos ang matindihang diet dahil sa Reina Hispanoamericana beauty contest, mega-eat na nga siya ngayon. Big pizza na nga ang nilalantakan ng beauty queen gayon.

Well, inaabangan na nga si Winwyn ng mga Filipino na mahilig sa beauty pageant.

Type nilang makita na ang kaseksihan ng dalaga.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments