MARIAN, aprub sa titulo ni Kim Domingo na ‘Asia’s Fantasy’!

0
112


Bagamat hindi si Marian Rivera ang namili ng mga makakasama niya sa bago niyang primetime teleserye na Super Ma’am, tinanong pa rin daw siya ng production kung approve siya sa mga napiling cast.

Isa nga sa inaprubahan agad ni Marian ay ang tinaguriang Asia’s Fantasy na si Kim Domingo. Isa si Kim sa pinapantasya ngayon mga kalalakihan sa TV at natuwa naman daw si Marian na makakasama niya ito sa pagbalik niya sa primetime TV.

“May mga iba na tinanong talaga nila ako, especially Kim Domingo, ayan. Talagang sinabi ko, si Kim talaga isasagot ko kung tatanungin ako.

“My God, si Kim, pantasya siya, ‘tsaka perfect siya para sa character.

“Maganda siya, sexy siya, mabait siya, tapos magaling naman umarte. Ang bait bait niya,” ngiti pa ni Marian.

Sobrang natuwa naman si Kim kaya nag-post siya ng Instagram photo nila ng Kapuso Primetime Queen.

“Excited to work with the Primetime Queen, my idol Thank you so much @marianrivera for this opportunity to work with you ! Such a humble person  #TheGoodTeacher #Soon.”

Natuwa naman daw si Marian sa buong cast, karamihan ay mga unang beses niyang makakatrabaho sa TV, lalo  na ang leading man niyang si Matthias Rhoads at ang gaganap na ina niyang si Ms. Helen Gamboa-Sotto.

“Lahat naman ng trabaho ay may pressure, pero wala na ako doon, eh.

“Ang gusto ko lang ay gawin ko nang maayos ‘yung trabaho ko, at masaya akong nagtatrabaho.

“Saka meron akong mga bagong kaibigan dahil sa show na ito, itong mga cast na parang isa sa mga pamilya ko na.

“Masaya na looking forward ako pumunta sa taping kasi ang gagaan nila katrabaho,” pagtapos pa ni Marian Rivera. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments