Marawi warzone binomba ulit –

0
82


Kasabay ng pagde-deploy ng karagdagang mga sundalo ay muling nagsagawa ng airstrikes at artillery ang mga tropa ng pamahalaan sa kinaroroonan ng mga terorista sa Marawi City.

Sunud-sunod na nari­nig kahapon ng madaling-araw ang malalakas na pagsabog ng inihuhulog na mga bomba. Kasunod nito ang sunud-sunod na putukan sa warzone ng siyudad dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at mga terorista.

Gumamit ang pamahalaan ng MG520 attack helicopters at FA50 fighter jets sa pag-atake.

Umakyat na umano sa 225 ang bilang ng mga teroristang napatay sa halos apat na linggo nang pagtugis sa kanila ng military.

Ito ay sa gitna pa rin ng “close quarter battle” o malapitang labanan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at mga tero­rista na nagtatago sa ilang matataas na gusali sa Marawi City.

Malungkot naman­g ina­min ni Philippine Army 1st Infantry Division spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera na nasa 59 government forces na ang nasawi sa labanan habang nasa mahigit 200 sundalo ang sugatan. Nananatili naman sa 26 ang bilang ng mga sibilyan na nasawi.

Kahapon ay nagpadala ng karagdagang 400 mga sundalo sa Marawi.

“Our forces are moving towards the heart of the enemy,” ayon kay Herrera ukol sa lugar kung saan may nagaganap na matinding bakbakan kung saan pinaniniwalaang naroroon ang mga teroristang lider.

Samantala, tinatayang nasa 300 hanggang 500 pang mga sibilyan ang tinatangkang i-rescue ng mga awtoridad sa Marawi City.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments